Sen. Bato Dela Rosa, pinaniniwalaang nasa Davao — DILG
Автор: D8TV News
Загружено: 2026-01-14
Просмотров: 1
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, hindi pa nila ito maaaksyunan dahil wala pa silang natatanggap na pormal na utos mula sa korte.
Matatandaang ang kapatid nitong si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang nagsabi kamakailan na naglabas na ng arrest warrant ang ICC laban kay Dela Rosa.
Magmula nang pumutok ang isyu, hindi pa rin dumadalo sa mga pagdinig at sesyon sa senado ang mambabatas.
Si Dela Rosa ang dating hepe ng Philippine National Police nang ipatupad ang giyera kontra droga ng Administrasyong Duterte. Naging hepe din siya ng Davao City Police.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: