Sagip Saka para sa mga Magsasaka ng Nueva Ecija
Автор: Kiko Pangilinan
Загружено: 2025-07-12
Просмотров: 355
Simple lang ang pangarap ng ating mga magsasaka— maibenta nang tama ang kanilang mga pananim na pinaglaanan ng hirap, pagod, at pag-aaruga. At ang matagal na nating pangarap para sa mga nagpapakain sa atin ay maiangat ang kanilang kabuhayan dahil ito ang nararapat.
Sa bisa ng Sagip Saka Act na ating ipinasa, maaaring direktang bumili ang gobyerno ng ani ng mga magsasaka at huli ng mga mangingisda — walang bidding at mas sigurado ang kanilang kita. Kasabay ng pagsusulong ng mga karagdagang batas, patuloy nating binabantayan at babantayan ang implementasyon ng Sagip Saka Act, para maiangat ang buhay ng ating mga magsasaka at mangingisda at mapababa ang presyo ng pagkain.
Ang mga magsasaka ang nagpapakain sa atin, kaya dapat natin silang alagaan, pakinggan, at pahalagahan.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: