Ang mga Anak ni Mosias ay Nanalangin at Nagtungo sa Kanilang mga Misyon | Alma 17
Автор: The Church of Jesus Christ in the Philippines
Загружено: 2022-02-11
Просмотров: 816
Iniwan ni Ammon at ng mga anak ni Mosias ang kanilang mga pamilya at sila ay naging mga misyonero. Nais nilang ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga Lamanita. Nag-ayuno at nanalangin si Ammon at ang mga anak ni Mosias upang maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon.
Batay sa Alma 17:2, 7, 9, 11, 12.
Alma 17
2 Ngayon, ang mga anak na ito ni Mosias ay kasama ni Alma sa panahong unang nagpakita ang anghel sa kanya; kaya nga, si Alma ay labis na nagalak na makita ang kanyang mga kapatid; at ang nakaragdag pa sa kanyang kagalakan, sila ay kanya pa ring mga kapatid sa Panginoon; oo, at sila ay naging malakas sa kaalaman ng katotohanan; sapagkat sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa at sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos.
7 Gayon pa man, nilisan nila ang lupain ng Zarahemla, at dinala ang kanilang mga espada, at kanilang mga sibat, at kanilang mga busog, at kanilang mga palaso, at kanilang mga tirador; at ito ay ginawa nila upang matustusan nila ang kanilang sarili ng pagkain samantalang nasa ilang.
9 At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay ng maraming araw sa ilang, at sila ay labis na nag-ayuno at labis na nanalangin upang pagkalooban sila ng Panginoon ng bahagi ng kanyang Espiritu upang makasama nila, at manatili sa kanila, upang sila’y maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos na madala, kung maaari, ang kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita, sa kaalaman ng katotohanan, sa kaalaman ng kawalang-batayan ng mga kaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.
11 At sinabi rin sa kanila ng Panginoon: Humayo sa mga Lamanita, na inyong mga kapatid, at pagtibayin ang aking salita; gayon man, kayo ay maging matiyaga sa mahabang pagtitiis at paghihirap, upang kayo ay makapagpakita sa kanila ng mabubuting halimbawa sa akin, at gagawin ko kayong kasangkapan sa aking mga kamay tungo sa kaligtasan ng maraming tao.
12 At ito ay nangyari na, na ang mga puso ng mga anak ni Mosias, at gayon din yaong mga kasama nila, ay nagkalakas-loob na humayo sa mga Lamanita upang ipahayag sa kanila ang salita ng Diyos.
Mga Video ng Aklat ni Mormon
Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo
https://www.churchofjesuschrist.org/s...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: