Ano ba ang LAYUNIN mo sa buhay TAGALOG MOTIVATIONAL SPEECH
Автор: Brain Power 2177
Загружено: 2021-11-23
Просмотров: 10996
Video Title: Ano ba ang LAYUNIN mo sa buhay TAGALOG MOTIVATIONAL SPEECH
Join this channel to get access to perks:
/ @brainpower2177
TAMA ba ang ginagawa ko sa buhay? Maraming tao ang nagtatanong niyan. Hindi kasi nila alam kung anong pinagagawa nila, kung may patutunguhan ba sila. Matanong nga kita, ANO BA ANG LAYUNIN MO? BAKIT KA BA NANDITO? Hindi ka ba makasagot sa mga tanong na 'yan? Kung napakamot ka na lang sa ulo mo dahil sa mga katanungang 'yan, hindi ka nag-iisa. Ang dami pang katulad mo na nalilito sa takbo ng buhay nila.
We are all here traveling the journey of life. May ibang tao, sa isang kadahilanan, alam nila kung ano ang layunin nila sa buhay. Alam nila kung anong career ang nagbibigay kasiyahan sa kanila. Alam nila kung anong klaseng lifestyle ang gusto nila. May iba din na alam na nila noong kabataan pa lang nila. May iba din na hindi sila sigurado sa tinatahak nila. Hindi sila natutuwa sa pinagagawa nila sa buhay at hindi rin nila alam kung ano ang nagpapasaya sa kanila.
Ikaw kaya? Alam mo na ba ang daan na tatahakin mo? Handa ka na bang gawin ang mga bagay na dapat mong gawin? Naramdaman mo na ba ang kasiyahan sa buhay? Ginawa ko ang videong ito para maging malinaw ang lahat, malinaw ang passion mo, malinaw ang layunin mo. At kung paano mo gamitin ng tama ang iyong oras.
ANONG DAAN ANG DAPAT KONG TAHAKIN?
'Yan ang komon na tanong, may maraming daan kasi sa buhay. Sa sobrang dami, madali lang din tayong maligaw. Lalong lalo na kung naguguluhan ka sa buhay mo. The reality is that there are many roads to choose from. The path that you walk is UNIQUE to you. Kapag kasi ikinokompara mo ang buhay mo sa buhay ng iba, siguradong masasaktan ka lang. Maiisip mo na wala ka pang sapat na nagawa sa buhay mo. Pero dapat mo itong tandaan, ang daan na dinadaanan mo ngayon ay sa 'yo, at sa 'yo lamang. Ang mga karanasan mo ay sa 'yo. Ang passion mo at pangarap mo ay sa 'yo. Kaya kahit naliligaw ka man sa landas mo, ayos lang 'yon. There is a season for everything.
The path you are “supposed” to walk depends on your true desires and passions. The more you discover about yourself, the clearer your particular path will become. Be gentle with yourself every step of the way.
MAGPAKATOTOO KA LANG SA SARILI MO. Makukuha mo rin ang sagot sa mga katanungan mo. ANO BA ANG INTERES KO?ANO BA ANG KINAHIHILIGAN KO? NAGAGALAK BA AKO SA MGA PINAGAGAWA KO? TAMA BA ANG MGA GINAGAWA KO? GUMAWA BA AKO NG IKAKAUNLAD KO? ANO BA TALAGA ANG GUSTO KO SA BUHAY? ANO BA ANG GUSTO KONG MARAMDAMAN?
TRANSCRIPT: https://bit.ly/30WsWSU
▶ G Korb
Beautiful Nature and Scenic Landscapes | Free Stock Footage - No Copyright
Video Link: • Beautiful Nature and Scenic Landscapes | F...
▶ Plug N Play Music - Free Music For Your Videos
Hope by Ghostrifter - Cinematic - Drama - No Copyright Music
Music Link: • Hope by Ghostrifter - Cinematic - Drama - ...
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------------------
Speaker:
Brain Power
/ brainpower2177
Facebook Page: / brainpower2177
Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177
If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell - / brainpower2177
----------------------------------------------------------------------------------------------
#FindYourPurpose #PassionAndDesire #BrainPower2177
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: