Hontiveros hindi nagustuhan ang sinabi ni Curlee Discaya
Автор: Philstar News
Загружено: 2026-01-20
Просмотров: 3167
#philstarnews #senateofphilippines
"PARANG HINOLDAP TAYO"
Pinuna ni Sen. Risa Hontiveros ang pahayag ng kampo ng Discaya, iginiit na tigilan na ang pag-iwas at pagdi-deflect sa mga tanong ng Senate Blue Ribbon Committee kung tunay umanong nais nilang makipagtulungan sa imbestigasyon.
Ito ay matapos igiit ni Curlee Discaya sa pagdinig nitong Lunes, Enero 19 na para silang biktima ng “modern-day na pagnanakaw.”
Ayon kay Hontiveros, ikinagulat ng ilang senador ang naturang pahayag.
Aniya, “halos mahulog sa silya” ang ilan sa kanila sa pag-aangkin na ang mga kontratistang sangkot ang siya umanong ninakawan.
Dagdag ng senador, kung seryoso ang Discaya na makapasok sa Witness Protection Program, dapat ay tapat at kumpleto ang pagsagot nila sa mga tanong ng Senado.
Video by the Senate of the Philippines
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: