Zaldy Co, hinimok na panumpaan ang mga rebelasyon sa video
Автор: Super Radyo DZBB 594khz
Загружено: 2025-11-27
Просмотров: 879
Nanghihinayang ang isang eksperto sa mga isiniwalat ni dating Cong. Zaldy Co sa inilabas niyang video sa kanyang social media, kung hindi ito magagamit bilang ebidensiya sa korte.
Ayon kay Dennis Coronacion, chairperson ng Department of Political Science ng University of Santo Tomas, kung totoo ang lahat ng kanyang mga pahayag, malakas sana ito kung gagamiting legal na ebidensiya.
Kung magkakaroon man ng kaso, maaari umano itong maging tulay upang mapanagot ang mga personalidad na sangkot sa anomalya.
Sinabi ni Coronacion na ang taumbayan ang lamang ang gustong kausapin ni Co at lumalabas na nais lamang niyang i-discredit ang Pangulo gayundin ang ibang matataas na opisyal na sinasabi nitong kasabwat sa pag-insert at saka pagbulsa ng bahagi ng pambansang pondo.
Kung talaga umanong seryoso si Co na gawin ang tama at isiwalat ang katotohanan, makabubuting umuwi siya ng bansa at gawing legal na ebidensiya sa korte ang kanyang pahayag o maaaring magbigay ng sinumpaang salaysay sa embahada.
Facebook: / dzbb594
Twitter: / dzbb
TikTok: / dzbb
Instagram: / dzbb594khz
Threads: https://www.threads.net/@dzbb594khz
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: