ANI NG SINING, BAYANG MALIKHAIN (NCCA National Arts Month Festival Song)
Автор: SOLAR PICTURES
Загружено: 2025-02-01
Просмотров: 4775
Title: ANI NG SINING, BAYANG MALIKHAIN (National Arts Month Festival Song)
Lyrics by: Niles Jordan Breis
Music & vocal arrangement by: Joed Balsamo
Music arranged by: Gino Cruz
Sung by: Karylle & Yael Yuzon, with Centro Escolar University Singers-Manila
Conductor: Jun Ayran
Mula pa noon hanggang sa ngayon
May iba't ibang Sining, talagang sariling atin
At handog sa Bayan, kapita-pitagan
Taon-taon ipinagdiriwang ang Buwan ng Sining ng Bayang Malikhain
Nag-uumapaw sa mga talento
Ng mga pag-arte na pang-entablado
May mga sinulat bunga ng haraya
May mga eskena na pampelikula
Sari-saring sayaw at biswal na likha
May ilang pang gawa ng mga arkitekto
May mga mang-aawit, mga musiko
Sa Buwan ng Sining ng Bayang Malikhain
Masigabong palakpak, tumalon at pumadyak
Umindak nang umindak, umawit, tumugtog buong galak
Sa Ani ng Sining ng Bayang Malikhain
Itanghal ang husay, itampok ang galing
Kultura ng Bayan, kayamanan natin
Halina't magsama-sama sa pistang Bayan na walang hanggang saya
Mula pa noon hanggang sa ngayon
May iba't ibang Sining, talagang sariling atin
At handog sa Bayan, kapita-pitagan
Aah….
Sa Buwan ng Sining ng Bayang Malikhain
Masigabong palakpak, tumalon at pumadyak
Umindak nang umindak, umawit, tumugtog buong galak
Sa Ani ng Sining ng Bayang Malikhain
Itanghal ang husay, itampok ang galing
Kultura ng Bayan, kayamanan natin
Halina't magsama-sama sa pistang Bayan na walang hanggang saya
(Ani ng Sining na walang hanggang saya)
Halina't magsama-sama sa pistang Bayan na walang hanggang saya
Ani ng Sining ng Bayang Malikhain
Na walang hanggang saya!
#NationalArtsMonth2025 #NAM2025 #AniNgSining #DiwaAtDamdamin #AniNgSiningDiwaAtDamdamin
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: