Rider Tumakas at Iniwan ang Motorsiklo - DOTr-SAICT
Автор: Gadget Addict
Загружено: 2025-08-28
Просмотров: 15970
Pinara ng mga enforcer ang isang motorcycle rider dahil hindi ito naka-helmet. Pero nang lumingon ang enforcer, bigla na lang bumirit ang rider at sinubukang tumakas.
Nagkaroon ng konting komprontasyon hanggang sa tumumba ang motorsiklo. Iniwan ng rider ang kanyang motor at patakbong tumakas.
Pagkatapos ng halos isang kilometrong habulan, sa tulong ng mga concerned citizens, nahuli ang rider.
Walang nakakabit na plaka sa motorsiklo, pero pagbukas ng compartment, nandoon pala ito.
Nang mahuli, hindi niya naipakita ang kanyang lisensya o rehistro ng motorsiklo dahil wala raw siyang dala noon. Kalaunan, may nagdala ng kanyang lisensya at rehistro. Pero ayon sa mga enforcer, ang rehistrong pinakita ay expired na at nakapangalan pa sa ibang tao - na siyang umano’y dating may-ari.
Nabigyan ang rider ng violation ticket, at kinumpiska ang kanyang lisensya at plaka bilang technical impounding.
Ang insidenteng ito ay nangyari noong Agosto 27 sa Manila, sa isang operasyon ng DOTr-SAICT, kasama ang LTFRB at Philippine Coast Guard (PCG).
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: