IFM LOKAL NEWS | ๐๐๐จ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง ๐ฆ๐ง๐๐ง๐จ๐ฆ, ๐๐ง๐๐ก๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ง ๐๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก
ะะฒัะพั: RMNCauayanTechDepartmen radyoman
ะะฐะณััะถะตะฝะพ: 2025-07-17
ะัะพัะผะพััะพะฒ: 584
CAUAYAN CITY -Inilagay sa Blue Alert status ang lahat ng District Hospitals sa Cagayan bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Crising.
โ
โIto ang ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para matiyak na handang tumugon ang mga ospital sa anumang uri ng emergency.
โ
โAyon sa direktiba ni Provincial Health Officer Dr. Rebecca Battung, kailangang naka-alerto ang lahat ng naka-duty personnel habang standby naman ang off-duty staff.
โ
Inatasan din ang lahat ng Chief of Hospitals at Health Emergency Response Teams (HERT) na ipatupad agad ang Emergency Preparedness and Response (EPR) guidelines.
โ
โKabilang sa mga hakbang ang pagsigurong may sapat na gamot, medical equipment, at health workers sa bawat ospital.
โ
โPinaghandaan din ang posibleng pagkawala ng kuryente sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa mga generator set. isang pagpupulong ang isinagawa upang pagtibayin ang mga plano para sa mabilis na pagtugon sa sakuna.
โ
โHinikayat naman ng Provincial Health Office ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng awtoridad, at magtungo sa pinakamalapit na ospital kung kinakailangan ng agarang medikal na atensyon.
---------------------
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
ะะพัััะฟะฝัะต ัะพัะผะฐัั ะดะปั ัะบะฐัะธะฒะฐะฝะธั:
ะกะบะฐัะฐัั ะฒะธะดะตะพ mp4
-
ะะฝัะพัะผะฐัะธั ะฟะพ ะทะฐะณััะทะบะต: