Papurihan ang Diyos (To God Be The Glory - Filipino) - Lyric Video
Автор: Jan Dormyl Espinosa
Загружено: 2025-11-24
Просмотров: 98
PAPURIHAN ANG DIYOS
(To God Be The Glory - Filipino)
VERSE 1
Ating sambahin at purihin ang Diyos
Dahil isinugo ang Mananakop
Ang buhay Niya’y kusang inialay
Pinto ng langit sa ati’y binuksan
CHORUS
Papurihan ang Diyos at sundin Siyang tunay
Papurihan ang Diyos, nang may kagalakan
Lapit sa Ama sa ngalan ni Cristo
Yamang sa sala’y tinubos Niya tayo
VERSE 2
Tanging ang dugo ni Cristo ang lunas
Sa salang sa atin ay nagpahamak
Ang bawat mananalig ng taimtim
Patawad ng Diyos, tunay na kakamtin
(CHO)
VERSE 3
Bawat kaloob Niya’y dakilang tunay
Lalo na ang dulot na kaligtasan
Ligayang ganap ang matatamasa
Kung si Cristo ay atin nang makita
CHORUS
Papurihan ang Diyos at sundin Siyang tunay
Papurihan ang Diyos, nang may kagalakan
Lapit sa Ama sa ngalan ni Cristo
Yamang sa sala’y tinubos Niya tayo
(2X)
Purihin ang Diyos, niligtas Niya tayo!
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: