53rd Anniversary | Tinig ng Pasasalamat: A give Back Outreach Documentary
Автор: The Assumptionist Choir
Загружено: 2025-07-16
Просмотров: 124
Dugo’t Pawis.
Ito ang masasabi naming maiaalay namin upang maisakatuparan ang aming pangako para sa komunidad. At hindi ito bunga ng kagustuhang magkaroon lamang ng nilalaman para sa social media, ni upang ipagmalaki ang aming ginawa. Ito ay bunga ng isang matagal na adhikaing sama-sama naming pinangarap gawin.
Hindi man naging perpekto ang lahat, at nagkaroon ng iba't ibang mga balakid at hindi kanais-nais na salita mula sa iilan, nananatiling malinaw at wagas ang aming layunin: ang makapaghatid ng saya at pag-asa sa mga bata.
At kami ay nagwagi.
Nagwagi kami sa mithiin na iyon dahil nakita naming ang ngiti ng mga bata at sa mga mensaheng isinulat nila para sa amin. At dahil rin dito, hindi lamang puso ang nabuo namin, kundi pati na rin ang matibay na ugnayan at Samahan bilang isang grupo. Kaya kung kami'y muling pagkakalooban ng pagkakataong makabalik—tulad ng hangarin ng mga bata sa amin—kami'y babalik.
Kaya’t taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong nang walang pag-aalinlangan at walang hinihintay na kapalit. Nawa’y pagpalain kayong lahat nang higit pa sa inyong naibahagi.
#theassumptionistchoir #charityevent #charity #outreachprogram #documentary #documentation #fyp #fypviral #PusoParaSaKomunidad #LakadNgMayLayunin #SerbisyongMayPuso #LingkodParaSaKabataan
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: