Tagalog Testimony Video | "Sa Wakas, Natutunan Ko Kung Paano Gampanan ang Aking Tungkulin"
Автор: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Загружено: 2020-11-29
Просмотров: 17818
Laganap ngayon ang mga sakuna. Paano natin sasalubungin ang Panginoon at makamit ang pagliligtas ng Diyos sa panahon ng mga sakuna? Ikaw ay malayang makipag-talakayan sa amin online upang hanapin ang paraan.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Tagalog Testimony Video | "Sa Wakas, Natutunan Ko Kung Paano Gampanan ang Aking Tungkulin"
Nakagawian ng pangunahing tauhan na gumawa ng mga bagay nang wala masyadong pag-iingat at kulang sa sipag sa kanyang mga kilos. Hindi naiiba ang paggawa niya ng kanyang tungkulin sa iglesia ng pagsusuri sa mga isinaling dokumento. Sa tuwing may makakaharap siyang mahirap o komplikadong trabaho na nangangailangan ng pag-iingat at pagsusumikap, nawawalan siya ng pasensya at ginagawa na lamang ito kahit papaano. Bilang resulta, maraming pagkakamali ang lumitaw sa mga dokumentong sinuri n'ya, na ikinasama ng loob niya at sinisi niya ang sarili. Matapos mailantad at mahatulan ng mga salita ng Diyos, namulat siya na ang kanyang pabayang pag-uugali ay dahil sa kalubhaan ng marumi niyang kalikasan, na isinasaalang-alang niya ang laman sa lahat ng bagay at lagi niyang gustong basta't makaraos na lang. Nang makita niyang hindi siya mapagkakatiwalaan at kulang siya sa dignidad at integridad, bahagya niyang kinamuhian ang kanyang sarili at sinimulan niyang ituon ang pansin sa pagsasagawa ng katotohanan. Nagbago ang kanyang pag-uugali sa kanyang tungkulin at natuto siyang gampanan ang kanyang tungkulin nang may pag-iingat.
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: