LOLA MEL'S BURIAL | MATALAO | SHENGTEL PEIN |POETRAVELER
Автор: Shengtel Peinツ
Загружено: 2025-12-06
Просмотров: 60
Awit 34:18
“Malapit ang Panginoon sa mga may pusong wasak, at inililigtas niya ang mga nalulumbay.”
Sa mga panahong akala natin tayo’y napabayaan dahil sa iniwan tayo ‘yon ang oras na palalakasin tayo ng Diyos. Ipararamdam Niyang hindi tayo maaaring huminto sa yapak na ating nasimulan bagkos ituturo pa Niya tayo lalo sa landas kung saan mas mababanaag natin ang mga sandaling kailangan nating kumapit at lumapit sa Kaniya. Hindi madali ang maiwan, kailangan ng mahaba-habang panahon para maghilom pero batid kong kung sama-sama naman tayong aahon, tiyak makauusad tayo nang mabilis, magaan, at maipagpapatuloy ang nasimulan ng nang-iwan.
Sa mga sandaling nandidilim ang ating paligid, nariyan ang Diyos upang bigyang liwanag ang mga dahilan kung bakit kailangan pa nating lumaban. Ipamumulat Niya sa atin kung ano pang silbi natin dito sa mundong ibabaw. Sapagkat naniniwala akong ang bawat pangyayari sa ating buhay sabihin man nating malungkot o masaya, ang lahat ay may dahilan—itinakda itong mangyari.
Kayâ sa kapwa ko naiwanan ni Lola-Inang, maghihilom po tayong sama-sama, uusad tayong muli, at higit sa lahat ipagpapatuloy ang naiwan niyang pakikisama sa kapwa. Palagi lang nating isipin na kaya masaya ang awra niya ay dahil naging magaan ang pag-alis niya sa atin. Patunay lamang iyon na mahal na mahal na mahal niya tayo.
Rest in Paradise, Lola Mhel Dela Cruz!
January 03, 1964 — November 21, 2025
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: