TURUAN MO PO KAMI HARING YAHAWAH
Автор: The Living Sound-(Kingdom of Yahawah)
Загружено: 2025-11-24
Просмотров: 275
Ang awit na ito ay nagpapakita ng pagpapakumbaba, humuhingi ng gabay mula sa dakilang manlilikha ang nag iisa at Haring magpakailanman ABA YAHAWAH
Lyrics
TITLE: TURUAN MO PO KAMI HARING YAHAWAH
Intro
Haring Yahawah… Haring Yahawah… Haring Yahawah…
Banal Mong pangalan ang ilaw sa madilim na daan.
[verse 1 ]
Noong una kami’y nagtataka,
Bakit maraming maling aral sa lupa.
Maraming diyos o idolo ang naglipana.
Ngunit liwanag ng landas aming nakita.
Hindi sa tao, hindi sa sariling pang unawa,
Kundi sa Iyong kautusan, O haring Yahawah!
[pre-chorus ]
Turuan Mo po kaming umunawa,
Ayon sa Iyong kalooban at akda.
[chorus ]
O Haring Yahawah, kami po'y gabayan,
Salita mo'y hindi nagkakasalungatan!
Iisang mensahe, iisang katuruan,
Sa Iyo kami mananalig, ang Torah ang pakikinggan
[verse 2 ]
Maraming iba ibang turo ang pinakawalan, sa labas sila'y nagtutunggalian ngunit iisa lang ang kanilang pinagmulan, at
Maraming nagsasabing sila ang tama,
Ngunit gabay mo sa kanila ay wala
Haring Yahawah.
[bridge]
Turuan Mo po kami, Haring Yahawah,
sa pag unawa ng iyong mga salita.
Loobin Mo po kaming sama-sama,
Sa pag-aaral ng Iyong Torah.
Pag-isahin Mo po kami sa Iyong katotohanan,
[chorus]
O Haring Yahawah, kami'y gabayan,
Salita mo'y hindi nagkakasalungatan!
Iisang mensahe, iisang katuruan,
Sa Iyo kami mananalig, Torah ang pakikinggan
[verse 3]
Ngayon kami’y natutong makinig,
Hindi sa sariling unawa kundi sa Iyong tinig.
Ang Torah Mo’y buhay na tubig,
Na nagbibigay karunungan at pag-ibig.
Ang kautusan mo'y susundin
Sa iyong patnubay, Haring Yahawah, titingin
[outro]
Yahawah… turuan Mo po kami…
Sa bawat araw, sa bawat aral.
Huwag kaming madaya ng maling kaisipan,
Kundi tanglawan ng Iyong katotohanan.
O Hari naming Yahawah,
Torah Mo ang buhay naming daan…
#KINGDOMOFYAHAWAH
#TORAHBASED
#TRUESALVATION
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: