It’s Showtime June 4, 2025 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2025-06-04
Просмотров: 120722
For the June 4 episode ng It’s Showtime, hindi lang isa kundi dalawa ang reasons ng Showtime fam to celebrate—ang 19th anniversary ni “Chinita Princess” Kim Chiu sa showbiz na ipinagdiwang niya by having a gorgeous photoshoot at ang three-day streak ng pagpasok ng ating one and only “Pambansang Dyosa” Anne Curtis after ng ilang buwan ng pagiging missing in action sa programa.
Kaya naman tila coincidence na si Anne at ang partner niyang si Ryan Bang ang nagwagi sa “Kid SONA” segment, na pinagbidahan ng adorable Showtime kids na sina Argus, Ayesha, Enicka, Jaze, Kelsey, at Kulot. Sumakses sila sa dawalang beses na tamang paghula sa mga awiting itinula ng Showtime Kids at tinalo ang mga magkakapares na sina Cianne Dominguez at Lorraine Galvez, Jugs Jugueta and Teddy Corpuz, Kim Chiu at Wize Estabillo, Vhong Navarro at Darren Espanto, at JM Dela Cerna at Marielle Montellano.
Dahil first time niyang maglaro sa jackpot round, hindi maitago ni Anne ang kaba sa paghula sa singers ng mga awiting itinula nina Argus, Ayesha, at Kelsey. Unfortunately, hindi nila napanalunan ni Ryan ang jackpot prize matapos na one out of three songs lang ang nahulaan nila nang tama.
Sa pambihirang pagkakataon ay isa na namang boy-girl best friendship ang ating natunghayan sa “Step in the Name of Love”—but this time, the matchmates, Winnie and Lito, are already in their late 50s.
Hindi man naging okay ang una nilang pagkikita matapos na i-reject ni Tatay Lito ang aplikasyon ni Nanay Winnie upang maging miyembro ng political party na kanilang kinabibilangan, naging instant friends naman sila nang magsimula silang kilalanin ang isa’t isa.
Habang ang ibang taong nasa ganitong kind of friendship ay madalas na nahuhulog ang damdamin sa isa’t isa, never umano itong nangyari sa kanila sa loob ng 30 years nilang pagiging matalik na magkaibigan dahil hindi nila type ang isa’t isa at kapatid o kaibigan lang talaga ang turingan nila. Kaya naman kahit ilang taon na silang kapwa single, never sumagi sa isip nila na maging more than friends.
So, for this episode, tinulungan ni Nanay Winnie ang kanyang bestie na si Tatay Lito na makahanap ng bagong kaibigan o makaka-date. Tatlong searchees ang nagpahayag ng interes nila na makilala ang ating searcher, at sila ay sina Nanay Lorna Pada, isang online seller mula sa Malabon City; Lucilla “Beng” Mendoza, isang mango vendor mula sa Tondo, Manila; at Vilma Guerrero, isang shoemaker mula sa Marikina City. Dahil sa magkakaiba nilang level of energy,
naging masaya ang naging kuwentuhan ng hosts sa searchees, lalo na kay Nanay Beng na medyo may pagka-nonchalant.
Bilang bestie, sinigurado ni Nanay Winnie na maha-hype niya si Tatay Lito sa pamamagitan ng pag-describe sa kanya bilang talented at creative na tao dahil siya raw ay magaling sumayaw, kumanta, mag-direk ng stage plays, gumuhit, at mag-lettering. Bukod pa riyan, si Tatay Lito raw ay malinis din sa bahay at masinop sa gamit.
‘Yon nga lang, maliit lang ang kinikita at limitado ang pamumuhay ni Tatay Lito kaya hindi niya marahil kakayaning ibigay ang mga bagay na gusto ng kung sino mang kanyang makaka-partner. Ikinatuwa naman ni Vice ang agad na paglatag ni Winnie ng mga katotohanang ito tungkol kay Lito, maging ng searchees dahil lahat sila ay nagsiakyat.
Subalit, tila hindi naman nagustuhan ng searchees na sina Beng at Vilma ang rebelasyon ni Nanay Winnie tungkol sa pagiging friendly ng kanyang bestie sa mga babae, na kinumpirma naman ni Tatay Lito. Ayon sa kanya, nagkaroon umano siya ng trauma sa pagkakaroon ng mga kaibigang lalaki simula palang noong high school siya kaya mas pinili niyang maging close sa mga babae
Tila hindi rin okay sa dalawa na willing si Lito na ilaglag ang friendships niya para sa relationship dahil mas matagal na ang pinagsamahan niya at ng kanyang mga kaibigang babae, lalo na si Winnie, maging ang pagtabi niya sa mga kaibigang babae sa pagtulog, kahit pa sabihin niyang wala itong malisya sa kanya.
Nang ipakita naman sa kanila ang larawan ni Tatay Lito, napababa muli si Nanay Beng dahil wala umano siyang naramadamang “spark”, habang parang nagustuhan naman nina Nanay Lorna at Nanay Vilma ang kanilang nakita kaya sila napaakyat.
Tuluyan na ngang naging mismatch sina Lito at Beng matapos na pababain nang una ang huli matapos ang una nilang pagkikita. Gayundin ang ginawa niya kay Lorna sapagkat di niya raw naramdaman ang sincerity nito nang sabihin na okay lang sa kanya na close si Lito sa mga babae. Samantala, pinaakyat naman niya si Vilma matapos sabihin nito na nagugwapuhan siya sa kanya.
Sa bandang huli, tila na-appreciate ni Lito ang patuloy na pag-step up ni Lorna kaya naman siya ang pinili niya na maka-match at makasama sa isang date.
Dahil pasok na ang nakalipas na defending champion na si Aaron Lao sa Round 2 ng Tawag ng Tanghalan Year 9, tatlong daily contenders muli ang nagtagisan ng galing sa June 4 episode ng It’s Showtime.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: