Iba't Ibang Klase ng Asin at Para Saan Ito
Автор: The Home Cook Foodie
Загружено: 2025-06-30
Просмотров: 112
7 Types of Salt and Their Amazing Benefits | Which One Should You Use?
“Alam mo ba na hindi lang basta-basta ang asin? Iba-iba pala ang uri ng asin, at bawat isa ay may sariling benepisyo! Sa video na ito, alamin natin ang 7 uri ng asin, saan sila galing, at kung alin ang pinakamainam para sa iyong kalusugan!”
“Una, Table Salt o ang karaniwang asin na gamit sa kusina. Galing ito sa ilalim ng lupa at dumaan sa matinding proseso. Kalimitang may iodine ito para sa kalusugan ng thyroid. Mainam sa pagluluto, pero dahil processed, dapat gamitin sa tamang dami lamang.”
“Pangalawa, Sea Salt. Galing sa pinatuyong tubig dagat. Mas natural at may halong trace minerals tulad ng magnesium at potassium. Perfect bilang finishing salt—panghuling budbod sa pagkain para sa dagdag lasa at texture.”
“Pangatlo, Himalayan Pink Salt. Galing ito sa Pakistan, at sikat sa kulay rosas dahil sa iron content. Bukod sa natural na lasa, sinasabing nakatutulong ito sa hydration at pH balance ng katawan.”
“Celtic Sea Salt o Gray Salt naman ay galing sa baybayin ng France. Kilala ito sa kanyang basa at kulay-abong itsura. Mayaman sa electrolytes at mainam sa katawan lalo na kung ikaw ay laging pagod o dehydrated.”
“Panglima, Kosher Salt. Malalaking butil kaya madaling kontrolin sa pagluluto. Minsan hindi iodized, pero maganda sa seasoning ng karne. Gamit ng mga chef dahil madaling matunaw at kontrolado ang alat.”
“Ang Black Salt o Kala Namak ay galing sa South Asia. May kakaibang amoy na parang itlog dahil sa sulfur content. Ginagamit sa mga Indian at vegan recipes. Sinasabing nakatutulong ito sa digestion at bloating.”
“Panghuli, Red Hawaiian Salt o Alaea Salt. Hinaluan ng volcanic clay kaya mapula. Ginagamit sa tradisyonal na Hawaiian dishes tulad ng kalua pig. Mayaman sa iron, at bahagi rin ng mga cleansing rituals nila noon.”
“Iba-iba ang gamit at benepisyo ng bawat asin.
Table Salt – pang-araw-araw.
Sea Salt – mas natural.
Himalayan – may contain trace minerals.
Celtic – pampalakas ng electrolytes.
Kosher – para sa pagluluto.
Black Salt – para sa digestion.
Red Salt – mayaman sa iron.”
“Alin sa mga ito ang ginagamit mo sa bahay? O gusto mong subukan?”
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: