HOLY FILIPINO MASS TODAY || Nov 8 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Автор: Catholic Mass Today Live (CMTL)
Загружено: 2025-11-07
Просмотров: 5382
Catholic Church Mass Today NoveMber 08, 2025 Playback Online Mass
Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest
Nobyembre 8 Featured Playback . Banal na Misa
SABADO ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
31st Week in Ordinary Time.
ALELUYA
2 Corinto 8, 9
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 16, 9-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo magpagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”
Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Hesus, sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: