HAGONOY | SONG LYRICS
Автор: JE Garcia
Загружено: 2022-09-09
Просмотров: 28853
Lyrics :
Naiinggit ako sa araw,
buong maghapon mong kaulayaw.
At naninibugho sa dagat,
na katalik mo magdamag.
Bayang pinagpala ng langit,
buhay sa kandungan mo'y kaytamis.
Hagonoy ay tula at awit,
ng damdaming pumipintig.
Lupang maharlikang tahanan,
na salinlahing buhat sa lakan.
Halamang lunas ang pangalan,
sa tanod layang sugatan.
Bayang pinagpala ng langit,
buhay sa kandungan mo'y kaytamis.
Hagonoy ay tula at awit,
ng damdaming pumipintig.
Bayang pinagpala ng langit,
buhay sa kandungan mo'y kaytamis.
Hagonoy ay tula at awit,
ng damdaming pumipintig.
Kaming anak na iyong paglingap,
may lambing din ang alon sa dagat.
Laging iibig sa liwanag,
sa paglayang sakdal dilag.
Bayang pinagpala ng langit,
buhay sa kandungan mo'y kaytamis.
Hagonoy ay tula at awit,
ng damdaming pumipintig.
Bayang pinagpala ng langit,
buhay sa kandungan mo'y kaytamis.
Hagonoy ay tula at awit,
ng damdaming pumipintig.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: