Baha ng Kasalanan │ Kalikasan, Korapsyon, at Katotohanan
Автор: MykzSong
Загружено: 2025-11-09
Просмотров: 3513
“Ramdam n’yo ba ang galit ng kalikasan?” 🌧️
Baha ng Kasalanan ay isang makabuluhang orihinal na awitin na tumatalakay sa tunay na ugat ng mga sakuna — hindi lang kalikasan, kundi kasakiman, kapabayaan, at korapsyon ng tao.
Sa bawat patak ng ulan, may sigaw ng masa.
Sa bawat baha, may kwento ng kawalan ng hustisya.
🎧 Isang Tagalog rock-rap / storytelling song na naglalarawan ng galit ng kalikasan at panawagan ng bayan para sa pagbabago.
🌊 Baha ng Kasalanan ay hindi lang musika — ito’y panawagan, tula, at katotohanan.
=============================================================
Ramdam n’yo ba…
Ang sanhi ng kasakiman?
Langit na lumuluha,
At sa lupa’y bumabaha.
Sabi nila, “likas na sakuna lang daw ito.”
Pero tanong ko… Baka tayo rin ang dahilan?
Mga ilog na tinabunan, bundok na binuksan,
Mga punong pinutol kapalit ng kamatayan,
Mga ganid sa kapangyarihan.
At ‘yong mga nasa trono,
Na dapat na nagliligtas, sila pa mismo pasimuno,
Kung bakit, lumulubog ang pilipinas
At tayo ri'y may kasalanan atin itong pinahintulutan.
Mga walang awa…
Mga bulag sa hina-ing ng kalikasan.
[Verse 1]
Sa ilalim ng tulay, may batang naghihintay,
Tinangay ng baha, tila walang aagapay.
Umiiyak ang kalikasan, naghihingalong buhay,
Nag aantay nalang bang mamatay.
[Pre-Chorus]
Kalikasan ay hindi galit!.
Ngunit sawa ng manahimik.
[Chorus]
Ito ang baha ng kasalanan,
Sigaw ng kalikasan, tinig ng bayan!
Tayo na't manindigan,
Kalikasan atin ng ingatan.
[Verse]
Semento’t bakal, puso’y marupok,
Pondo’y nalunod, sa bulsa nilang mapusok.
Cebu man o Maynila, pareho ng kulay,
Proyektong ginto, pero hindi na nabuhay.
[Chorus]
Ito ang baha ng kasakiman,
Sigaw ng kalikasan, tinig ng bayan!
Tayo na't manindigan,
Kalikasan atin ng ingatan.
[Verse 3]
Hindi ulan ang pumapatay,
Kundi kasakiman, at batas na di pantay,
Mga buwaya'y nagbubulag-bulagan.
Ito ang baha… ng kasalanan!
[Rap Verse]
Yo, pader na papel, pundasyon ay patay,
Buhos ng proyekto, pero pera’y humimlay.
Semento’t bakal sa plano, pero walang tibay,
Tigas ng mukha, pera sa bulsa ang plano.
Pera nila'y bumabaha, tao’y nalunod sa baha,
Nang dahil sa kanilang itim na puso at sala.
Kalsadang bago, pero bitak sa dangal,
Kalawang sa puso, sa kanilang bulsa na may ginto — ilegal.
Habang masa’y lumulubog sa ulan,
May sumasahod sa bawat patak ng kasalanan.
Tila ulan ng yaman, pero pawis ng mamamayan.
Hanggang kailan lulunurin ng ganid na sistema?
[Bridge]
Kailan pa naging likas ang kasinungalingan?
Tinawag ko'y “baha” ang pandarambong ng iilan?
Kalikasan ay salamin,
Repleksyon ng ating kasalanan!
[Final Chorus]
Ito ang baha ng kasalanan,
Sigaw ng mga libing at lansangan!
Hindi likas kundi gawa,
Ng pusong sakim sa kapwa.
Ang hangin ay nagagalit,
Ang dagat ay bumabalik.
Ito ang baha… ng kasalanan!
[Outro
Mensahe ng nakipaglaban,
"Kung walang kalikasan, walang buhay."
=============================================================
Author:
👤 Creator: Mykz
📅 Release: November 2025
This song lyrics and concept are made by the creator and the visual, music arrangement were developed with the help of AI tools (for drafting and inspiration), then refined and published by the creator. The purpose is artistic expression and sharing positivity.
All rights belong to the creator, Mykz
💬 Leave a comment if you believe music can awaken the nation.
❤️ Like, Share, and Subscribe to support original Filipino music.
🔔 Turn on notifications — more song, love song, power song, protest and patriotic anthems coming soon.
for more original Tagalog or English Music.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: