BUKSAN ANG AKING MGA MATA
Автор: iBest P "THE VOICE OF TRUTH"
Загружено: 2025-11-28
Просмотров: 622
Title: Buksan Ang Aking Mga Mata
Written by: Marivic Pailano
Music generated: Suno
[Verse 1]
Buksan ang aking mata, mundong puno ng panlilinlang,
Mga aral na binago, tinakpan ang Iyong pangalang banal.
Sa ingay ng relihiyon, di Ka nila kinikilala,
Aba Yahawah, Ikaw ang Hari — Ikaw lang at nag iisa.
[Pre-Chorus]
Sa gitna ng dilim, tinig Mo ang gabay,
Tulad ng apoy na hindi namamatay.
Ngayon ko nakikita, ngayo’y malinaw,
Ang daan ng Torah, ang Iyong tuntunin at galaw.
[Chorus]
Buksan ang aming mga mata, Aba Yahawah!
Ihayag ang Iyong katotohanan.
Sa mundong puno ng huwad at kasinungalingan,
Ikaw lamang ang daang tunay at walang hanggan.
Buksan ang aming mga mata — Iyong pangalan ang itataas,
Aba Yahawah, aming Hari, sa ’Yo lang ang lakas!
[Verse 2]
Mga templo at simbahan, mukhang banal sa paningin,
Pero aral ay mali, tradisyon ang siinusunod parin.
Mga idolong gawa lamang ng kamay ng tao,
Hindi Ka nila kayang pantayan — Ikaw ang tunay na Siyang totoo.
[Pre-Chorus]
Hindi relihiyon ang nagliligtas,
Hindi tradisyon ang tunay na bukas.
Ang Torah ang Iyong batas na walang kapalit,
Ito ang ilaw na tunay na masunurin at masigpit.
[Chorus]
Buksan ang aming mata, Aba Yahawah!
Ihayag ang Iyong katotohanan.
Sa mundong puno ng huwad at kasinungalingan,
Ikaw lamang ang daang tunay at walang hanggan.
Buksan ang aming mga mata — Iyong pangalan ang itataas,
Aba Yahawah aming Hari, sa ’Yo lang ang lakas!
[Bridge]
Itinago ang Iyong pangalan ng mahabang panahon,
Pero ngayong gising na kami — Sisigaw sa bawat direksiyon!
Aba Yahawah! Ang Hari! Ang Maylikha!
Kami’y babalik sa Torah, sa Iyong tunay na salita.
[Final Chorus]
Buksan ang aming mga mata, Aba Yahawah!
Liyab Mo ang aming sandata!
Walang relihiyon, walang tradisyon, walang idolong gawa—
Ikaw lang, Hari namin, Ikaw ang batas na walang kapara!
Buksan ang aming mga mata, ilantad Mo ang katotohanan,
Aba Yahawah! Ikaw ang tanging ilaw sa kadiliman!
[Outro]
Sa Iyo kami babalik, sa Torah Mo mananatili,
Aba Yahawah, Ikaw lamang — magpakailanman sa aming puso't diwa....
Editing app: Capcut
Animated from original pictures: Marivic Pailano
Generated Anime: Chatgpt & Digen AI
Some anime from: Canva
Follow and support
HIMIG LEVITA MUSIC CHANNEL
/ @kingdomofyhwh-musicchannel
My FB:
/ lmj.pailano
My FB Page:
/ best4uphotography
My TikTok:
https://www.tiktok.com/@dailydoseofma...
My Instagram:
/ ibest_p
/ best_lacap
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: