Depo, Injectable, o DMPA — Ano Nga Ba Ito? 💉
Автор: MissedPill by RH Care Info
Загружено: 2021-02-04
Просмотров: 55137
Learn why women take the shot at https://rh-care.info/dmpa 🩹
Normal po bang hindi datnan kapag naka-Depo? Ano po ang benefits ng DMPA? Safe po ba ang Depo sa breastfeeding moms? Saan po nakaka-avail ng injectables?
Tuloy lamang ang panonood ng video para sa mga kasagutan!
Depot-Medroxyprogesterone Acetate, DMPA, Depo-Provera, Depo, Progestin-only Injectable, POI, The Shot, o Injectable — lahat iyan ay tawag sa contraceptive injection na naglalaman ng Progestin hormone para sa mga kababaihan. Ladies, safe ninyo itong gamitin, kasama na kayong mga breastfeeding mommies as early as 6 weeks pagkapanganak at kahit na ang mga nasa 40 years old pataas.
Inirerekomenda na isagawa ang unang injection habang kayo ay may period dahil kinakailangang tiyakin na hindi kayo buntis bago gawin ang procedure. Ang DMPA ay isa sa mga komportableng contraceptives sa dahilang hindi ito isinusuot, iniinom, at inaalala araw-araw. Itinuturok lamang ito ng midwife, nurse, o doktor sa braso o pigi ng babae ng isang beses at tumatagal ang bisa nito sa loob ng tatlong buwan.
Take note po DMPA-users, dahil sa mga unang buwan ng paggamit nito, ay maaaring maging iregular ang inyong period. Normal po sa DMPA-users ang makaranas ng malakas, minsan naman ay tuloy-tuloy na spotting lamang, o hindi datnan sa mga susunod na buwan ng inyong shots. Magbago man ang menstrual cycle ninyo, wala pong naiipong dugo sa loob ng matris ng DMPA-users. Kung nababahala kayo sa alin man sa mga side effects ng DMPA, kumunsulta lamang sa inyong midwife, nurse, o doktor upang malunasan ang inyong nararamdaman.
Long-term benefits?
Posibleng mabawasan ang risk na makakuha ng endometrial cancer;
Pagkabawas ng pelvic pain dulot ng endometriosis;
Pagkabawas ng dysmenorrhea;
Posibleng paghina ng bleeding dulot ng uterine fibroids o myoma;
At hindi ito nakakaapekto sa dami at kalidad ng breastmilk.
Ang DMPA ay 99.7% epektibong pamamaraan ng family planning. Kapag nasusunod po ng tama ang scheduled shots ng DMPA ninyo, SAFE kayong makipagtalik sa anumang oras, at kung may period man o wala.
Kung nais ninyo pong subukan ang DMPA, lahat ng city at municipal health centers ay libreng nagsasagawa ng procedure. Other options, maaari rin kayong bumisita sa government hospitals with family planning facilities, private birthing homes or lying-in clinics, at private doctors or clinics.
Bumisita lamang kayo sa https://rh-care.info/providers para mahanap ang health facility na malapit sa inyong lugar at https://rh-care.info/dmpa para sa karagdagang impormasyon.
More Content?
Facebook: / rhcareinfo
Instagram: / rhcareinfo
Twitter: / rhcareinfo
#RHCareInfo #SexEducation #DepoProvera #Injectable #DMPA #ReproductiveHealth #FamilyPlanning #BirthControl
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: