THINK ABOUT IT by Ted Failon - MAHIYA KAYA ANG MGA WALANG HIYA?
Автор: 105.9 True FM
Загружено: 2025-07-30
Просмотров: 20844
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa loob ng 15 taon, ang DPWH ay gumasta na ng humigit kumulang dalawang trilyong piso para sa flood management program, na katumbas ng P350 milyon na araw-araw na paggasta para ayusin ang problema sa pagbabaha. Pero bakit nga ba patuloy tayong binabaha kung palaki naman nang palaki ang perang inilalaan ng gobyerno para ayusin ang problema sa baha?
Sa pinakahuling SONA ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., kinastigo niya ang nagsasabwatang mga opisyal ng gobyerno pati mga kontratista na ginagawang raket ang flood control projects para makakuha ng kickback at SOP.
Sambit ng Pangulong Marcos: "Mahiya naman kayo!" Nangako rin siya na isasapubliko ang listahan ng palpak na flood control projects pati mga ghost project, at makakasuhan ang lahat ng mga may sala.
Matupad kaya ang panibagong pangako ng Pangulo? Tumalab kaya ang mga patama niya? Mahiya naman kaya ang mga walang hiya? Think about it.
Mapapakinggan sa ating Spotify na "Think About It by Ted Failon," Facebook page, at YouTube channel ng News5Everywhere ang buong episode ng #ThinkAboutIt na pinamagatang ‘MAHIYA KAYA ANG MGA WALANG HIYA?’
#fyp #commentary #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #newsph #politics #politician #flood
Facebook: / truenetworkph
X: / truenetworkph
Instagram: / truenetworkph
Tiktok: / truenetworkph
Subscribe to our YouTube channel and click the bell icon: / @truenetworkph
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: