ANG MATUWID NA BUHAY SA HARAP NG DIYOS/ Roma
Автор: Arcillas Bonie
Загружено: 2022-04-28
Просмотров: 9333
MAYROON TAYONG DALAWANG KATOTOHANAN KUNG PAANO MAGIGING MATUWID ANG ISANG TAO SA HARAP NG DIYOS?
1. DIYOS ANG GUMAWA HINDI TAYO.
Roma 1:17 "Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”
#A. Ginawa tayo ng Diyos na matuwid, Kahit sabihin at sa paningin ng tao tayo ay makasalanan, piro sa Diyos binigyan niya na tayo ng bagong posisyon, bagong pangalan, tayo ay itinuring na niyang matuwid....
#B. Halimbawa, sa paningin ng tao hindi pa tayo Banal piro sa mata ng Diyos, ginawa na tayong banal.....positionally...
1 Corinto 6:11 "Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo'y pinatawad na sa inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos. Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
1Corinto 3:17 "Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
Note: Ganito rin sa paningin ng Diyos, siya ang gumawa, siya ang kumilos, siya ang nagpasya para gawin tayong matuwid....
Baka tanungin ninyo, Paano nangyari ito? Malinaw na makasalanan ang tao, bakit ginawa ng Diyos na matuwid.....(Kapatid, pasya ng Diyos iyan, HINDI MASUKAT ANG KANYANG BIYAYA AT HABAG..)
#c. Dahil ginawa na tayong matuwid ng Diyos, isa rin itong assurance of salvation, Dahil sa mata ng Diyos tayo ay nakabukod na at may nakalaan nang eternal life...
Kaya ganito ang mangyayari sa masama at sa matuwid....sa araw ng katapusan..
Mateo 13:49 "Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid,
Mateo 25:46 "Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.”
Ginawa na tayong matuwid ng Diyos..HINDI DAHIL SA ATING GINAWA O NAGAWA...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: