FILIPINO MASS TODAY FRIDAY || December 05 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Автор: Catholic Mass Today Live (CMTL)
Загружено: 2025-12-05
Просмотров: 2792
Catholic Church Sunday Mass Today December 05, 2025 Playback Online Mass
Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest
December 5 Featured Playback . Banal na Misa
Biyernes sa Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
1st Week of ADVENT. Filipino Mass
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Panginoon ay darating,
bibigyan n’ya ng paningin
mga bulag na gagaling.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 9, 27-31
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, pag-alis ni Hesus sa lugar na iyon, sinundan-sundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila na ang wika, “Anak ni David, mahabag kayo sa amin!” Pagpasok ni Hesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Hesus, “Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?” “Opo, Panginoon,” sagot nila. At hinipo niya ang kanilang mga mata, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong paniniwala.” At nakakita na sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Hesus na huwag sasabihin ito kaninuman. Ngunit nang sila’y makaalis, ibinalita nila sa buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN para kay Nuestro Padre Jesus Nazareno
Katamis-tamisang naming mahal na Poong Jesus Nazareno
Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong
pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo.
Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong
di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat,
na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo
sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan
upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan.
Patawarin mo ako, O Butihing Jesus;
inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig
na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip
ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay,
ipinangangako na ako’y magiging matapat
hanggang sa oras ng aking kamatayan.
Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya
at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos
diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Sya Nawa.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: