18 Years na Siyang Nawawala, Nasan na Kaya Siya Ngayon? - (The Madeleine McCann Case)
Автор: Claro the Third
Загружено: 2025-09-06
Просмотров: 82771
"Noong Mayo 3, 2007, tatlong taong gulang si Madeleine McCann nang biglang mawala sa kanilang bakasyunang apartment sa Praia da Luz, Portugal.Kaama niya dito Ang mga magulang niya, sina Kate at Gerry, ang kanyang dalawang kambal na kapatid, at mga kaibigan t anak din ng kanyang mga magulang. Sa huling gabi ng kanilang bakasyon, pinatulog ang mga bata ng kanilang mga magulang bago magsalu salo sa tinatawag na tapas bar na ilang metro lang ang layo, habang natutulog si Madeleine kasama ang kanyang mga kapatid.
8:30 PM ang kanilang schedule ng salu salo. at Madalas naming chinecheck ng mga magulang ang kanilang mga anak, pero bandang 10PM nang magdesisyon ang ina na tignan ito, pagdating nyia sa kanilang apartment, ay nagulat siya sa kanyang Nakita, nakabukas ang mga pinto, nakatiwangwang ang mga bintana, at ang batang si madeleine, wala na.
Nagsisigaw pabalik sa tapas restaurant ang ina, sumisigaw na wala na si madeleine wala na si madeleine may kumuha sa kanya! Alam niyo ba yung buong resort kung nasaan sila, nagkagulo lahat, mga staff mga pulis, pati ibang mga bakayonista, nagsisigawan ng madeleine madaeleine, pero wala hindi talaga nila nahanap. Sabi nila na nung gabing yon, lahat ng sulok ng praia de luz, maririnig mo yung pagsigaw ng pangalan niya.
Tatagal hanggangngayon ang paghahanap kay madeleine, 18 years old na siya kunsakali, at nagrelease sila ng mga larawan kung ano na dapat ang itsura nito paglaki. HIndi pa rin nahahanap si Madeleine, pero ang tanong, ano kaya ang mga teorya kung saan siya napunta?
May nagsabing kinidnap siya ng sindikato ng human trafficking, baka kaya daw nakabukas ang bintana eh baka may kumuha dito, miski yung ama, eh may claims na may nanunuod daw sa bata nung mga araw na yon at gusto itong kunin. May mga nagsasabi rin na baka nakalabas ang bata at kung saan saan naglalalakad. May mga tao rin na nagsasabing may hinala sila sa "tapas seven", o yung mga kaibigan ng magulang nila. Pero ang pinaka-nakaka curious na teorya, naniniwala raw ang mga kapulisan, na may kinalaman ang mga magulang sa pagkawala ng bata. Isang cover up ika nga, tingin nila, namatay ito habang natutulog, at ginawan ng paraan ng mga magulang para i dispatya.
Taon ang lumipas, bilyong piso ang ginastos sa imbestigasyon, at maraming suspects ang lumutang. Pero kahit ilang beses pang lumabas ang mga leads, wala pa ring malinaw na sagot kung nasaan si Madeleine.
Ito ang most discussed missing person case in modern history, at mapapatanong ka, nasaan na kaya si Madeleine? Buhay pa kaya siya? Ikaw, anong teorya mo kung saan napunta ang bata?
Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird
TIKTOK - / clarotheiii
INSTAGRAM - / clarothethird
FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: