Sino Nga Ba Ako
Автор: VictoriousWorship
Загружено: 2024-12-26
Просмотров: 2674
Title: SINO NGA BA AKO?
Lyrics:
Sino nga ba ako,
Upang Iyong mahalin
Anong meron sa'kin
At pilit Mong pinapansin
Kaisipan ko'y likas na
'di matuwid
ang puso ko'y sadyang makasarili
Sino nga ba ako...(sino nga ba ako)
Wala Kang itinanggi
Ginawa Mo ang lahat para sa'kin
Tiniis ang hagupit
ang sakit na walang paris
Para sa akin
Para lang sa akin.
KORO:
Sino nga ba ako para sa pag-ibig Mo
Ikaw lang ang nagbigay
ng bagong buhay ko
At kahit anong dilim ng nakaraan
Walang naging hadlang
Sa'yong kabutihan
Sino nga ba ako...(sino nga ba ako)
BERSO3:
Hindi ko kayang tumbasan
Hindi ko maintindihan
Ano ang Iyong dahilan
Ng wagas na pagmamahal
Sa tulad ko
Sa isang katulad ko
TULAY:
Anong meron ako
Na 'di nanggaling Sa'yo
Anong kayang gawin
ng isang tulad ko
Hindi ako nararapat Sa'yo
Ngunit ako'y niyayakap Mo
RAP
Sinong makahihigit sa pag-ibig
Mo oh Diyos
Si Kristo na Iyong anak
Nagdusa sa kalbaryo
Wagas ang awa Mo
Tunay ang pag-ibig Mo
Hinahayaan Mong ang tulad
ko'y lumapit pa Sa'yo
Anong meron sa akin
Anong nakikita Mo
Wala 'kong kayang gawin
na matutumbas ko
Anong makapag-hiwalay sa pag-ibig Mo sa'min Ama
Ang kaguluhan ba, kapighatian ba
pag-uusig ba o ang kagutuman
Hindi ang kahirapan hindi rin ang panganib
Walang makahahadlang
Ngunit sino ba ako
Sino ba ako
****************************************************
Composer: Arnilla Amon
Vocal: Shekinah Guande
Lead Guitarist: Emanuel Censon
Drums: Joshua Ferrer
Bass: Angeli Maglalang
Keyboard: Real Glenn Nueva
Music Director: Elijah Torio
Video Director & Editor: Hannah Librada & Gabriel Quilloy
Lighting Engineer: Hannah Librada
Additional Support:
Josh Henebraldo
Charo Pagdonsolan
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: