S4SHA - Pagitan (Official Audio)
Автор: Jerwyn Velasco
Загружено: 2025-12-05
Просмотров: 11
Vocals: S4SHA
Music and Arrangement: Jerwyn Velasco
Producer: Floyd, Chester, and Jerwyn
Recorded: Floyd and Chester
Lyrics: IVY ONRUBIA
🖼️: Pinterest
"Pagitan" written by Ivy Onrubia and performed by Sasha Velasco, portrays the vast emotional distance created by lost love, depicted as an infinite space between partners filled with the graves of dead stars symbolizing unfulfilled dreams of lifelong commitment.
Lyrics:
Ang pag-ibig at kawalan nito
ay kalawakan sa pagitan natin.
Libingan ng mga talang namatay
bago matupad ang hiling
nating habang-buhay.
Lumuha tayong kahugis ng
mga kometa sa gabi.
Nanlalamig, nahuhulog,
at sinasalo sa isang panyo
kung sa’n sila’y mananatili
‘pagkat wala na silang ihuhulog pa.
Kung nagmamantsa lang ang mga luha,
hindi ko na malilimutan
ang kulay ng ‘yong mga mata.
Ang pag-ibig at kawalan nito
ay kalawakan sa pagitan natin.
Libingan ng mga talang namatay
bago matupad ang hiling
nating habang-buhay.
Ang pag-ibig na hindi nawala
ngunit wala na rito
ay maitatago pa rin kaya?
Maitatabi katulad ng mga
damit sa dilim ng dulo
ng aparador na ayaw
nating sayangin kahit
wala nang paggagamitan.
Ang pag-ibig at kawalan nito
ay kalawakan sa pagitan natin.
Libingan ng mga talang namatay
bago matupad ang hiling
nating habang-buhay.
Ang pag-ibig sa kalawakan
ay buwan sa pagitan natin.
Kahit hindi na sinisilip,
nariyan pa rin.
Kahit wala na rito,
nariyan lamang.
#music #newmusic #song #newsong #songwriter #originalaudio
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: