Nahuling Jeepney Driver, Gumagamit ng Lisensya ng Iba - DOTr-SAICT
Автор: Gadget Addict
Загружено: 2025-10-12
Просмотров: 54037
Mai-imagine mo ba na pupunta ka sa LTO para magpapalit ng lisensya… tapos malalaman mong may ibang taong gumagamit nito at nagkaka-violation sa pangalan mo?
Una nang pinahinto ng DOTr-SAICT enforcers ang jeepney na ito matapos mapansin ang sobrang pudpod na gulong. Habang humihinto, napansin din nila na wala itong brake lights.
Nang humingi ng mga papeles, hindi makapagpakita ng lisensya o rehistro ang driver. Paliwanag niya, nahuli raw siya kaninang umaga sa Alabang - umano’y dahil sa obstruction - at nasa asawa niya daw ang lisensya.
Makalipas ang ilang sandali, dumating ang asawa dala ang isang driver’s license. Pero ayon sa mga enforcer, agad nilang napansin na mas bata ang itsura sa litrato ng lisensya, at paliwanag pa ng babae, nagkasakit daw nang malubha (ulcer) ang asawa kaya nag-iba ang itsura at mukhang mas matanda ngayon.
Kalaunan, umamin ang driver na hindi sa kanya ang lisensya.
Nasa lisensya ang birth year na 1995, habang umamin ang driver na mahigit 20 taon na siyang mas matanda doon.
Sa barangay hall, habang ginagawa ang blotter, tinawagan ng enforcers ang emergency contact sa likod ng lisensya - na kamag-anak ng tunay na may-ari. Ayon sa kanila, nawawala ang lisensya mga dalawang linggo na, pero hindi nila alam kung paano ito nawala.
Maya-maya, bumalik umano ang asawa ng jeepney driver dala ang iba pang mga ID ng parehong tao - kabilang ang PhilHealth ID at GCash debit card.
Ayon sa mga enforcer, sa paunang beripikasyon sa LTO, ang huling record ng renewal ng lisensya ng jeepney driver ay noong 2008 pa.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: