Sariwang Gulay para sa QCitizens mula Nueva Ecija
Автор: Kiko Pangilinan
Загружено: 2025-07-27
Просмотров: 389
SARIWANG GULAY PARA SA QCITIZENS MULA NUEVA ECIJA
Sa tulong ng Sagip Saka Act, direktang nabili ng ating tanggapan ang halos 800 kilo ng patola, kamatis, sibuyas, sitaw, pipino, kalabasa at kamote mula sa mga magsasakang apektado ng bagyo sa Talavera, Nueva Ecija, sa pakikipagtulungan nina Mayor Aries Lim, Kaya Natin! Movement, at DA Region III.
Dinala natin ang mga gulay sa Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, para maipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo. Kasama rin natin sa turnover sina Councilor Doray Delarmente, at Carolina Patalinghog at Helen Frilles ng Social Services Development Department Division.
Ang Sagip Saka Act ay hindi lang basta batas. Isa itong tulay sa pagitan ng ating mga food producers at ng mga kababayang nangangailangan.
Sa pamamagitan ng direct procurement, nabibili natin ang kanilang ani sa tamang presyo, mas mataas ang kanilang kita, at nakasisiguro rin tayong may masustansyang pagkain para sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: