Aksyon ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal, intentional — S1 Facundo
Автор: News5Everywhere
Загружено: 2024-06-24
Просмотров: 80929
"Intentional" o sinadya — ganito inilarawan ni Philippine Navy S1 #JeffreyFacundo, ang sundalong naputulan ng daliri ang naging aksyon ng China Coast Guard (CCG) sa mga sundalo sa #AyunginShoal noong June 17.
"Ayaw na nilang magpa-resupply at rotation sa Ayungin. Ayaw kaming paakyatin... para sa akin, 'yun ang intensyon," saad ni Facundo sa pagdinig ng Senado hinggil sa June 17 Ayungin Shoal incident.
Pagdedetalye pa ni Facundo, limang minuto pa lang nilang itinatali ang rigid hull inflatable boat (RHIB) sa Ayungin Shoal nang dumating ang mga Chinese personnel at walang babalang binangga ang kanilang RHIB.
Ikinuwento rin niya kung paano tuluyang naputol ang kanyang daliri dahil sa lakas ng pagbangga ng CCG.
Inamin ng navy man na may dala silang baril na nakalagay sa kahon. Aniya, batay sa kanilang "rules of engagement" ay papuputukin lamang ito kung una silang papuputukan ng mga dayuhan. #News5 | via Maeanne Los Baños-Oroceo
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: