Claire Castro, itinangging siya ang nasa audio clip na ipinakita ni Robin Padilla
Автор: Philippine STAR
Загружено: 2025-11-26
Просмотров: 2976
Nilinaw ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na hindi siya ang nasa audio clip na ipinakita ni Senator Robin Padilla sa Senado nitong Martes, November 25, 2025.
“For the satisfaction of Senator Robin Padilla, hindi po ako ang nasa video clip. Dahil sa ating pagkakaalam, itong video na ‘to ay lumabas na noon pa at ibang mukha ang pinapakitang binabanggit na madam,” sagot niya nitong Miyerkules.
Sa nasabing video, maririnig ang isang “madam” kuno na kausap ang isa pang babae tungkol sa “script” at bayad sa mga troll.
“I deny that the person, or kung sinoman sa dalawa don, na it’s I who was talking to a certain vlogger,” pagdidiin ni Castro.
Bagamat pinuri niya ang senador sa layunin nitong magpasa ng Anti-Troll Farm Bill, hinikayat niya na ‘wag maging biktima si Padilla ng fake news at tinanong din niya kung saan nakuha ang naturang video.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: