Si Amang Ahnsahnghong Ay Diyos, ang Ikalawang Pagdating na Cristo IV | Iglesya ng Diyos
Автор: World Mission Society Church of God / Global
Загружено: 2022-01-21
Просмотров: 5896
Ang Simbahang Tinatag ni Melquizedek na Pinatototohanan ng Biblia, Ay ang Church of God
Nagbigay si Abraham ng ikapu kay Melquizedek na binasbasan siya sa pamamagitan ng tinapay at alak, at prinopesiya ni David na “ang walang hanggang pari na sinusunod ang pagkapari ni Melquizedek ay ang Diyos.” Pinatotohanan din ni Apostol Pablo ang tungkol sa Cristo na muling darating sa Panahon ng Espiritu Santo para sa kaligtasan ng sangkatauhan, sa pagpapaliwanag na “walang ama, walang ina, at walang talaan ng angkan si Melquizedek.”
Sino ang Diyos na Lumunok sa Kamatayan Magpakailanman Gamit ang Nilumang Alak Gaya ng Nakapropesiya sa Aklat ng Isaiah?
Si Melquizedek ng Lumang Tipan ay nagbigay kay Abraham ng pisikal na pagpapala sa pamamagitan ng tinapay at alak. Gayundin, nagbigay si Jesus ng pagpapala na kapatawaran ng mga kasalanan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng tinapay at alak ng Paskuwa ng bagong tipan. Pinatotohanan ni Cristo Ahnsahnghong na Siya ay Diyos na dumating sa pagkapari ng Melquizedek, sa pagpapanumbalik ng Paskuwa ng bagong tipan na nanatiling wasak nang 1,600 taon.
Genesis 14:17–20
Siya’y bumalik mula sa pagkatalo ni Kedorlaomer, at sa mga haring kasama … si Melquizedek, hari ng Salem … ay naglabas ng tinapay at alak. … At binigyan siya ni Abram ng ikasampung bahagi ng lahat.
Matthew 26:19–28
At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Jesus, at inihanda nila ang paskuwa … dumampot si Jesus ng tinapay … kumuha siya ng isang saro at nang makapagpasalamat … “ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.”
Isaiah 25:6–9
At sa bundok na ito ay gagawa ang PANGINOON … ng isang kapistahan ng mga nilumang alak … Lulunukin niya ang kamatayan magpakailanman … At sasabihin sa araw na iyon, “Ito’y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niya tayo”
[Ang karapatang-ari ng video na ito ay nasa Iglesya ng Diyos, Samahan ng Pandaigdigang Misyon. Ipinagbabawal ang pagkopya, pamamahagi, o pagpapadala ng video na ito sa ano mang anyo o sa ano mang paraan nang walang pahintulot.]
〖World Mission Society Church of God〗https://watv.org
〖 Philippines 〗 https://phwmscog.com
〖WATV Media Cast〗 https://watvmedia.org/fil
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: