#2023NACF
Автор: Bureau of Market Development, Promotions, and OTOP
Загружено: 2023-10-15
Просмотров: 13
Sa loob ng maraming henerasyon, nanirahan ang Ati community ng Guimaras sa kanilang ancestral domain na kung tawagin ay Sitio Kati-Kati. Tulad ng ibang katutubong komunidad, ipinagmamalaki ng Ati ng Guimaras ang kanilang mayamang pamana sa kultura. Upang mapanatili nila ito, itinatag ang Ati School of Living Traditions (SLT) sa Guimaras sa pakikipagtulungan ng Jordan Ati Community Association (JACA), at sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ang sentro ay nagtuturo ng iba't ibang anyo ng sining tulad ng wikang Inati, tradisyunal na sayaw at musika, at paghahabi.
Isa sa kanilang mga ipinagmamalaking produkto ay ang bag na gawa sa dahon ng baryos o pandan. Ang iba nilang mga produkto naman gaya ng mga kubyertos ay gawa sa coconut shells. Gumagamit din sila ng mga dahon ng buri at nito na kinukuha nila sa mga kagubatan at kabundukan.
Kilalanin pa natin ang mga Ati ng Guimaras mula kay Teresita Ganila, isa sa mga SLT cultural masters.
Maraming salamat kay Sen. Loren Legarda!
#2023NACF #2023NationalArtsandCraftsFair
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: