ANG GANDA PALA SA DRT! Digo's Hills & Welcome Arch Ride!
Автор: HENRITV
Загружено: 2025-10-26
Просмотров: 1372
Ang Doña Remedios Trinidad (DRT) ay isang primera klase at pinakamalaking bayan sa Bulacan, na mayaman sa likas na yaman at kilala bilang Eco-Tourism Capital ng lalawigan. Matatagpuan ito sa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre, na nagbibigay-daan sa mga magagandang tanawin tulad ng mga kuweba, talon, at matatayog na burol. Isa sa sikat na pasyalan dito ay ang Digo's Hills, na dinarayo ng mga turista at mga local na mahilig mag-camping o kung trip mo lang magsenti.
Ang kasaysayan ng bayan ay nagsimula noong Setyembre 13, 1977, sa ilalim ng Batas Militar. Sa panahong ito, inilabas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 1196 upang buuin ang munisipalidad. Ipinangalan ang bayan kay Doña Remedios Trinidad-Romualdez, ang ina ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos, na tubong Baliuag, Bulacan. Ang Doña Remedios Trinidad ay nabuo mula sa mga lupain ng pitong barangay na dating bahagi ng mga karatig-bayan ng Angat, Norzagaray, at San Miguel. Sa kabila ng pagiging bagong bayan, mabilis itong umunlad at naging mahalagang bahagi ng Bulacan dahil sa mga likas na yaman at sa lumalagong industriya ng eco-tourism.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: