Salamat Panginoon - Paul Armesin
Автор: Paul Armesin
Загружено: 2020-04-19
Просмотров: 180655
Isang dekada na ang nagdaan mula ng sinulat ko ito.
Isang awit ng pagpapasalamat sa kabutihan at katapatan ng Panginoon.
Mga katotohanan na hindi kailanman maaring magbago: Ang Diyos ay mabuti, ang Diyos ay tapat.
Hindi ito nakabase sa ating pananaw, damdamin o sitwasyon. Higit pa sa ating nakikita, nararamdaman at nauunawaan ang realidad ng kabutihan Niya. Papuri at pasasalamat sa Diyos na laging mabuti at laging tapat.
SALAMAT PANGINOON
Lyrics and music by Paul Armesin
Ikaw ay mabuti bawat sandali
At sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi
Sandigang matibay ang ‘Yong pangako
Lakas at pag-asa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataon
Patunay ng katapatan Mo
Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na Iyong pinahihintulutan
Salamat Panginoon
Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sa ‘Yo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid mo sa ‘kin
Salamat Panginoon
Ikaw ay mabuti, Ikaw ay tapat
Sa ’Yo ang papuri at pasasalamat
#Musikatha #pagsambangwagas
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Like and follow Psalmo Music
https://fb.com/psalmomusicph
/ psalmomusic
/ psalmomusic
Tuloy Ang Awit - Paul Armesin
https://open.spotify.com/album/6nCLRK...
DOWNLOAD LINKS
Salamat Panginoon - lead sheet w/ chords - https://drive.google.com/file/d/1tPeG...
Salamat Panginoon - Guitar TABS - https://drive.google.com/file/d/13KL1...
Salamat Panginoon - CHORDS - https://drive.google.com/file/d/1mKqL...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: