AGOSTO KATORSE (LYRICS) | JM ERESE SONGS
Автор: JM ERESE SONGS
Загружено: 2025-08-13
Просмотров: 136
Agosto katorse ang araw na espesyal,
na kaarawan mo, aking MINAmahal
Laging sumisikat ang liwanag sa iyong buhay
Sa mahigit limang dekada ng pakikibakang puno ng karanasan,
Ngiti at luha, lahat ay bahagi ng ating samahan
Sa bawat taon na dumadaan, mas lalo kang nagni ning-ning sa aking mga mata
Hindi lang sa ganda, kundi sa puso mo't diwang kahali halina
Ang pagmamahal mo sa akin, maging sa ating mga anak at pag a alaga
Ay laging nariyan walang kapara sa hirap, ginhawa at dusa
Sa nagdaang buhay mo ng pagsisilbi sa ating buong pamilya
Mga masasaya't malulungkot na sandali ng iyong pagba batá
Ngunit ang lahat ng ito, ika'y nanatiling matatag at ma a lala
Tunay ka nang ilaw ng ating tahanang nagbibigay saya.
Ang pagmamahal, pag-aaruga, at pang-unawa mo
Ay laging nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa buhay ko
Sa bawat araw na lumilipas, ay mas lalo akong natu tuto
Kung paano magmahal nang tunay, sa pamamagitan mo.
Sa espesyal na araw mo ngayon, ay nais kong sabihin,
Na ikaw ay katangi tangi, at mahalaga sa akin.
Mahal kita hindi lang ngayon sa iyong kaarawan,
Kundi sa bawat araw, at bawat sandali ng iyong buhay.
Ang pagmamahal, pag-aaruga, at pang unawa mo.
Ay laging nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa buhay ko.
SA bawat araw na lumilipas, ay mas lalo akong natututo
Kung paano magmahal nang tunay, sa pamamagitan mo.
Maligayang kaarawan, mahal kong asawa,
Nawa'y maraming taon pa ang ating pagsasama.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: