Buhay UP ni Dr. Rafael Bundoc, UP Manila
Автор: University of the Philippines
Загружено: 2025-10-16
Просмотров: 75187
BABALA: Naglalaman ng mga imahe ng labi ng tao at mga parte ng katawan ng tao na pinag-aaralan sa anatomiya.
Sa pagdiriwang ng World Anatomy Day, tampok sa #BuhayUP ang kuwento ni Dr. Rafael Bundoc, dating tagapangulo ng Department of Anatomy sa University of the Philippines Manila.
Naging mapanghamon man ang kanyang paglalakbay bilang estudyante mula arkitektura tungo sa medisina, napagtagumpayan niya ito at ngayon ay namamayagpag siya bilang espesyalistang doktor sa buto at gulugod, siyentista, at guro. Ang kanyang isinusulong bilang propesor ng medisina: ang makabuluhang pagkatuto ng mga susunod na henerasyon ng mga estudyanteng nangangarap maging manggagamot.
Tunghayan ang kuwento ni Dr. Bundoc at ang kahalagahan ng pag-aaral at pagsusuri sa anatomiya ng tao upang makahanap at makapagbibigay ng lunas, ginhawa, at panibagong buhay sa mga nangangailangan.
Pinrodyus ni Tricia Mabale, UPS-MCO
#Anatomy #Plastination #UPManila
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: