BULAG, PIPI at BINGI – Bato-Bato sa Langit Bars!
Автор: MykzSong
Загружено: 2025-12-09
Просмотров: 234
Isang matinding Pilipino protest rock anthem na “BULAG, PIPI at BINGI”, tumutuligsa sa mga lider na walang aksyon sa problema ng bayan.
Kasama ang raspy male at female vocals, rap section, at dramatikong bridge na may whisper effect sa “Sir. President,” tampok ang mga tunay na karanasan ng mamamayan sa baha, gutom, at pang-aabuso.
🎸 Genre: Hard Rock, Protest Rock, Filipino Rock
📍 Tema: Korapsyon, Kawalang-aksyon ng Politiko, Pakikibaka ng Mamamayan
🔥 Highlight: Rap section, chanting chorus, epic bridge, dramatic outro
Kung ikaw ay Pilipino, o gustong maramdaman ang sigaw ng bayan, i-share at i-subscribe para sa mas marami pang orihinal na kanta!
=========================================================
[Verse 1]
Baha sa kalye, ang inyong kasinungalingan
Presyo tumataas, sweldo itong naiiwan
Sigaw ng tao, di nyo man lang pakinggan
Parang bato ang puso nyo sa hirap ng bayan!
[Pre-Chorus]
Kita nyo naman — pero nagbubulag-bulagan
Rinig nyo naman — pero nagbibingi-bingihan
Alam nyo naman — pero di kayo kumikilos
Bakit ba sa tao, laging kami ang talo’t ubos?
[Chorus]
Bulag ba kayo? Pipi ba kayo?
Bingi ba kayo sa panawagan ng Pilipino?
Kami ay sumisigaw sa inyong kapalpakan
Bulag, pipi, bingi nga kayo— Ba'ho nyo'y pilit tinatakpan.
[Verse 2]
Proyektong papel, puro salita lang
Pero sa kalsada, wala kayong iginagalang
Sabi nyo “serbisyo,” pero bakit isang biro?
Di nyo maharap ang totoo, laging taas noo
[Pre-Chorus]
Rinig nyo — pero pilit nililihis na katutohanan
Kita nyo — pero agad naman tinatakpan
Bayan ramdam ang bigat, pero sa buwis nagpalutang
Kailan nyo ba mararamdaman ang bigat ng mamamayan?
[Chorus]
Bulag ba kayo?Pipi ba kayo?
Bingi ba kayo sa daing ng bansa?
Gutom at baha, ’di nyo makita
Bulag, pipi, bingi nga kayo— Baho nyo'y pilit tinatakpan.
[RAP]
Yo!
Puro kayo magnanakaw,
Utang ng utang, kami itong naba-lahaw.
Tanging mamamayan’t bata’y nag-iiyakan,
Anong pinagmamalaki nyo? Wala naman, walang laman.
Nasaan ang buwis ng bayan,
Ganoon nalang ba, puro kaplastikan?
Inang bayan ko’y, pilit na lalaban,
Noon nyo pa ito niyuyurakan, walang laban.
Ano sabi ni Rizal, na kabataan ang pag-asa?
Ng bayan, pero saan? Para ba sa utang na i-papasa?
Yong mga bulsa, yong buwis ang laman,
O parang awa nyo, Pilipinas, magising na tayo, ano ba yan!
Wag ng iboto ang mga buwayang santo,
Kung ayaw nyong maging numero uno ang bayan,
Sa pinaka-kurakot ng pamumuno,
Ng mga buwayang inutil at sindikato—talo!
[Bridge
Sir. President…
Kung talagang para sa amin ka
Bakit ba kami laging kawawa?
Kung talagang may puso ka
Ba’t mas mataas pa ang trono mo kaysa bansa?
[Chorus]
Bulag ka ba? Pipi ka ba?
Bingi ka ba sa daing ng bansa?
Gutom at baha, ’di mo makita
Bulag, pipi, bingi nga kayo— Baho nyo'y pilit tinatakpan.
[Final Chorus]
Bulag ka pa rin, pipi ka pa rin
Bingi ka pa rin sa bawat sakit namin
Bayan ang sugatan, governo'y tumahimik
Bulag, pipi, bingi nga kayo— kami ang gigising!
[Outro]
Bulag… pipi… bingi…
Pero hindi kami.
Hindi na muli.
LAST NYO NA YAN!
=========================================================
Author:
👤 Creator: Mykz
📅 Release: December 2025
This song lyrics and concept are made by the creator and the visual, music arrangement were developed with the help of AI tools (for drafting and inspiration), then refined and published by the creator. The purpose is artistic expression and sharing positivity.
All rights belong to the creator, Mykz
💬 Leave a comment if you believe music can awaken the nation.
❤️ Like, Share, and Subscribe to support original Filipino music.
🔔 Turn on notifications — more song, love song, power song, protest and patriotic anthems coming soon.
for more original Tagalog or English Music.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: