TANO by Ramon T Ayco Sr performed by Himigrante th titik at musika ni Monching A
Автор: Ramon T. Ayco, Sr. “Mon Ayco” a.k.a. Monching A
Загружено: 2021-02-16
Просмотров: 12603
Music Video downloaded at Pinoy Himigrants Youtube Channel: • TANO (Ramon Ayco Sr.) performed by Himigra...
May isang magsasaka/Tano ang Pangalan
Lupa niyang sinasaka'y/Tanging kayamanan
Minsa'y nagkasakit /Kaisa-isang anak
Naubos ang konting pera'y/Di pa rin lumalakas
Sa asendero ay nangutang/ Isandaang piso lang
Ngunit ito'y madodoble/ Sa anihan babayaran
At kapag pumalya/ Madodoble na naman
Madodoble nang madodoble/ Hangga't di mabayaran
Tano, Tano/ Sa gipit mong kalagayan
Tano, Tano/ Anong Kasasapitan
Lumipas ang mga anihang/ Sinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tano'y/ Nabaon sa utang
Hanggang ang lupa niya/ Ang naging kabayaran
May utang pa si Tano't/ Nakikisaka na lang
Ilan ang tulad ni Tanong/ Pinahihirapan
Sila'y marami pa ngayon/ Doon sa kanayunan
Ngunit itong si Tano/ Ay biglang nagtago
Nang siya"y makita/ Doon sa kabundukan
Kasama ng sandatahan/ Siya'y naging mandirigma
Ng Hukbong Bayan
Ngayon ay lumalaban/ Si Tano sa gahaman
Mga tulad ni Tano/ Tayo nang lumaban
Tayo na't lumaban
Tayo nang lumaban!
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: