KUNWARI KAKAMPI MO PERO KAKAMPI NG IBA (SPY WEDNESDAY) - Homily by Fr. Danichi Hui on Apr. 16, 2025
Автор: Fr. Danichi Hui
Загружено: 16 апр. 2025 г.
Просмотров: 7 390 просмотров
KUNWARI KAKAMPI MO PERO KAKAMPI NG IBA (SPY WEDNESDAY) - Homily by Fr. Danichi Hui on April 16, 2025
GOSPEL: Matthew 26:14-25
Biblical: Ngayong araw na ito ay kilala bilang “Spy Wednesday” (Espiya) sapagkat narinig natin sa Ebanghelyo ang pagbubunyag ni Hesus sa taong magtatraydor sa kaniya, na walang iba kundi si Hudas Iscariote.
Matapos makipagkita ni Hudas sa mga Punong Saserdote, matatanda ng bayan, Eskriba at Pariseo, napagkasunduan nila na tatangap siya ng 30 pilak kapalit ni Hesus.
Reflection: Grabe ano? Ginawang kalakal si Hesus. Tila ninegosyo si Hesus. Kung si Hesus “naginvest” kay Hudas sa pamamagitan ng pakikipag kaibigan. Si Hudas ginawang “investment” si Hesus dahil pinagkakitaan niya si Hesus sa halagang 30 pilak.
Ang 30 Pilak noong panahong iyon ay halaga ng 4 na buwang sahod ng isang ordinaryong manggagawa. Sapat iyon kung ikaw ay binata pero hindi iyon kalakihan para makapamuhay ng matagal. Kaya masasabi nating “cheap” itong si Hudas. Dahil madali siyang bilhin. Sa murang halaga, naipagpalit niya ang relasyon niga kay Hesus. Kaya sa murang halaga din, pinagpalit niya si Hesus.
Kaya huwag mong pinapagpalit basta basta ang iyong relasyon, kung ayaw mong matawag na “cheap”.
Biblical: Pero hindi na din tayo magtataka dahil kung matatandaan natin noong Lunes, hindi ba’t nang makita ni Hudas ang pabangong ibinuhos ni Maria sa paa ni Hesus nakuwenta niya ang halaga nito? (Alam ninyo kung magkano ang pabango?)
Ang halaga ng pabango ay 300 Dinaryo na ang katumbas ay isang taon na sahod ng isang ordinaryong manggagawa.
Reflection: Nakita ninyo na kung gaano ka-cheap itong si Hudas? Di hamak na mas malaki pa ang naibigay ni Maria at siya ay isang kaibigan lang. Samantalang itong si Hudas isang alagad naipagpalit si Hesus sa halagang 4 na buwang sahod.
Contemporary: Hindi naman sa naghuhugas tayo ng kamay at dinidiin natin si Hudas. Dahil may mga pagkakataon din na naipagpalit natin si Hesus. Hindi man sa pera pero madalas naipagpapalit natin siya sa ibang bagay.
Naipagpalit ang pagsisimba sa lakad ng pamilya, outing o paglalaba.
Naipagpalit si Hesus nang may kumatok lang sa bahay at nagtanong kung maliligtas ka ba? Konting pangungumbinse at bola tumalikod na sa pananampalataya.
Naipagpalit si Hesus dahil sa pinagdadaanan. Nagarpoblema lang nagalit na sa Diyos.
Maging ang paglilingkod naipagpalit dahil sa trabaho, tampo sa kapwa lingkod o galit sa pari.
Hindi ba’t ang “cheap”?
Reflection: Pero mabuti na lang hindi “cheap” ang tingin sa atin ng Diyos. Si Hesus kaait na ipinagpapalit natin hindi siya nagsasawang magpatawad. Dahil “mahal” o mataas na halaga ang turing sa ating at lalong higit mahal tayo ni Hesus kaya hindi niya tayo pinagpapalit.
Mga kapatid, ito ang Mahal na Araw, mga ordinaryong araw na ginawang espesyal ni Hesus dahil sa mataas na turing at mataas na pag-uri gamit ang pagmamahal.
#soledaddemanila #frdanichihui

Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: