Dasal ng Pag-Asa
Автор: PsorPhil Channel
Загружено: 2024-03-28
Просмотров: 235
Dasal ng Pag-Asa
Sa pagtahak ng landas ng Kwaresma, Dasal natin ay punuin ng pag-asa. Para sa mga may mga karamdaman lalo na ang may mga psoriasis, ilapit sila sa Iyo, O Ama.
Panginoon, ako'y maliit pa, Ngunit dinirinig mo ang aking dasal. Tulungan mo po ang mga may psoriasis, Panginoon ko.
O Diyos, gabayan mo ang aking kabiyak, Sa bawat hakbang, sa bawat pagsubok, patnubayan mo siya. Patatagin mo ang kanyang kalooban at kalusugan, Panginoon.
Panginoon, Sa iyong pagmamahal, ako'y patatagin mo. Alisin mo ang sakit na dulot ng psoriasis sa aking kabiyak, O Diyos.
Panginoon, ako'y may psoriasis, Ang sakit na ito'y bigyang lunas mo na. Kalakip ng krus ko'y ang pasakit na ito, Ngunit sa Iyo, Panginoon, ako'y umaasa.
Sa mga pangaral mo sa Kwaresma, O Diyos, Pakalinis mo ang aking kalooban at kalusugan. Ang hirap na dulot ng psoriasis, Sa Iyong pag-ibig, Panginoon, ako'y nananalangin.
Sa pamamagitan ng aking pagdurusa, Palakasin mo ang aking pananampalataya, O Diyos.
Panginoon, Sa bawat krus ng Kwaresma, alalahanin mo kami, Patnubayan mo kaming may mga pinagdadaanan at karamdaman, O Panginoon. Nawa'y mapawi ang aming mga pasakit, Sa pag-asa at pananampalataya, kami'y patatagin mo Panginoon.
Sa bawat sandali ng hapis at lungkot, patnubayan mo kami, O Diyos, sa aming paglalakbay. Tanggapin mo, O Panginoon, ang aming dasal, At patuloy na punuin ng pag-ibig ang aming mga puso.
O Panginoon, nawa’y kami’y iadya sa mga sakuna at kalamidad. Kanlungan Mo kami ng iyong dakila at makapangyarihang kamay upang mailigtas sa mga panganib.
Ngayong Kwaresma, sa aming mga kahirapan, Gabayan Mo kami, O Diyos, hanggang sa huling hantungan. Sa iyong banal na pangalan, AMEN.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: