Viral: Foreigner at Pinoy jeepney driver nag away sa Davao City
Автор: SAMANINO TV
Загружено: 2022-06-09
Просмотров: 3264
Ang mainitang pagtatalo ay nauwi sa galit sa pagitan ng isang dayuhan at isang public utility jeepney driver sa kahabaan ng Ponciano Reyes Street sa Davao City noong Huwebes ng hapon, Hunyo 9.
UPDATE:
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naagaw lang umano ng dayuhan ang naturang tubo sa jeepney driver.
Nagsimula umano ang kaguluhan matapos na makagitgitan ang minamanwhong SUV ng dayuhan at jeepney ng Pinoy.
Makikita na may umaawat na babae at mga local authorities sa dayuhan pero ayaw magpaawat nitong magpaawat at sinusugod pa rin ang jeepney driver.
Nang dumating ang mga pulis, dinala ang dalawa sa presinto. Doon nagkasundo ang dalawa na aayusin na lang nila sa barangay ang kanilang naging away.
Napag-alaman naman mula sa isang impormante na bago makagirian sa kalye ang jeepney driver nang araw na iyon, may nauna nang nakasagian ang dayuhang driver na isang taxi.--FRJ, GMA News
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: