Paano Isusuko Ang Buhay Sa Duyos Part 1
Автор: WOTG - Word On The Go
Загружено: 2024-03-03
Просмотров: 32333
Kung gusto mong maging isang tunay na taga sunod ng Panginoong Jesus ay kailangan mo magkaroon ng isang dedicated life. Kailangan mong magkaroon ng pusong marunong mag-surrender. Alam mo sa totoo lang, tayong mga tao ay merong kalikasan na gawin yung mga bagay sa sarili nating paraan. Napakahirap para sa atin ang pagsuko sa Diyos. Kasi salungat ito sa sarili nating pagnanasa, at sarili nating interest. Kaya Nga yong idea na dapat mahalin mo ang sarili mo ng higit kahit kanino man at anumang bagay upang ang iyung buhay ay mag i-improve ay hindi totoo.
Kaibigan ang itinuturo sa atin ng Diyos mula sa Salita Niya o sa Bible ay kabaligtaran. Hindi ito pagmamahal sa sarili. Dahil yung pagmamahal sa sarili ay ugat ng problema sa ating puso. Ugat ng problema sa relasyon natin sa Diyos at relasyon natin sa ibang tao. Bakit?
Kasi yung pagmamahal sa sarili ay pag-focus lang sa kung ano ang makakalugod sa iyo kahit na ito ay makakasama sa ibang tao. Ang pagmamahal sa sarili ay naka focus sa nakaraan, naka-focus sa sariling kapighatian, naka-focus sa sariling sitwasyon kaya ang nangyayari ay itong mga bagay na ito ang makakasira sa ating buhay. Ang pagfo-focus sa sarili ang nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging immature. Ang pag-focus sa sarili ay nagiging dahilan kung bakit hindi tayo lumalago spiritually. Nakakulong tayo sa ating mga pinag-aalala sa buhay pero tignan mo. Anong tinuturo sa atin ng Panginoong Jesus sabi sa
Lucas 9:23 MBB
23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Ang sinasabi ng Panginoong Hesus ay kung gusto mong maging alagad Niya, kung gusto mong maging tagasunod Niya ay hindi mo mamahalin ang iyong sarili ng higit sa Kanya kung hindi itatakwil mo ito at papasanin mo ang iyong krus araw-araw. Ito ay kung gusto mo pero kung ayaw mo ay hindi ka pipilitin ng Panginoong Hesus. Binigyan ka Niya ng choice. Ang hindi pwede ay gustuhin mo na matupad sa buhay mo ang katuparan ng plano ng Diyos ng hindi ka naman nagsusurrender sa Kanya. Na-realized ko ang pagsuko o pag-surrender sa Panginoong Hesus ay isang choice na kailangan mo gawin ang ibig sabihin ng surender ay pagpapakawala mo sa iyong sarili sa bondage sa pagkakulong mo sa pagmamahal mo sa sarili. Ang ibig sabihin ay mula sa pagmamahal mo sa sarili ay lalabas ka diyan at ibibigay mo na ang buhay mo sa Panginoong Hesus. Kung meron mang hahawak sa buhay mo ay hindi na ikaw kung hindi ang Panginoong Hesus. Pag pinaubaya mo ang pangunguna ng Diyos sa iyung buhay ay makakalaya ka. Sabi sa
Juan 8:36 MBB
36 Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya.
Narealized ko hangga't mahal na mahal mo ang iyung sarili ay hindi ka makakalaya na matupad mo ang purpose ng Diyos para sa iyo. Hindi ka magkakaron ng kakayahang tumanggi sa gawi ng mundo na naglalayo sa iyo sa Diyos.
Kaya nga kaibigan pag-uusapan natin ngayung buwan ang bago nating series. Ang dedicated life, kasi hanggang hindi mo dine-dedicate ang buhay mo, ikaw ay mananatiling talunan, ikaw ay mananatiling stagnant, hindi mo mararanasan ang makabuluhan na buhay na hinandan ng Diyos para sa iyo. Tapusin mo ang mensahe na ito dahil pag-uusapan natin kung anoano ba ang kailangan nating isuko sa Kanya kung gusto nating maging alagad ng Panginoong Hesus.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Scipt: https://bit.ly/SCRIPT-PaanoIsusukoAng...
Life Application and Missional Guide (LAMG): https://bit.ly/LAMG-PaanoIsusukoAngBu...
BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: