AKLAT NG RUTH - KOMPLETOMG KASULATAN
Автор: READ SCRIPTURES
Загружено: 2021-12-22
Просмотров: 11996
#SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#RUTH
AKLAT NG RUTH
Panimula
Ang tahimik at patulang salaysay ng aklat ng Ruth at ang bighani ng maaamong babaing bayani nito ay
katangiang nakawilihan ng maraming salinlahi ng mga mambabasa. Kahit na ang kuwento ay sinasabing
nangyari sa panahon ng mga Hukom, wala itong pagkakahawig sa mga salaysay ng paglalaban sa pagitan
ng mga bansa at paglalaban sa pagitan ng mga lipi sa naunang aklat. Dahil si Ruth ay isang Moabita, hindi
isang Israelita, ang epekto ng aklat, kung hindi man ang layunin nito, ay magkaroon ng simpatya sa mga
dayuhang nagpapailalim sa pangangalaga ng Diyos ng Israel. Dahil dito, iniisip ng marami na ito ay isinulat
pagkatapos ng pagkabihag, ayon sa lumang salaysay, na nilayong labanan ang mababagsik na batas nina
Ezra at Nehemias na humihinging hiwalayan ng mga lalaking Hebreo ang kanilang dayuhang asawa at
pakasalan lamang ang mga babaing nasasakupan ng tipan (Ezra 10:1-5; Nehemias 13:23-27).
Pagkatapos ng pagkabihag, ang Israel ay nagkaroon ng mga pagkakahilig sa dalawang magkasalungat
na direksiyon: Sa isang panig ay ang matinding pagbibigay-diin sa kanilang natatanging pagkatawag
bilang bayang pinili ng Diyos. Sa kabilang panig naman ay ang isang malawak at malayang paghahangad
na maisakatuparan ang kanyang pagiging isang ilaw at pagpapala para sa mga bansa" (Isaias 19:24;
49:6). Ilan sa mga pinakadakilang patotoo sa huling pagkahilig na ito ay ang mga aklat ng Jonas at ng Ruth.
Ang mga unang talata ng ating kuwento ay nagsasalaysay ng pagpapakasal ni Ruth sa isang lalaking
Hebreo at kung paanong sa pagkamatay nito ay pinili niyang sumama sa kanyang biyenan pabalik sa Juda
upang makipamuhay sa bayan ng kanyang asawa sa halip na manatili sa katiwasayan ng kanyang lupang
sinilangan (kabanata 1). Doon, ang kanyang katapatan at kabaitan ay naging daan upang mapaibig niya si
Boaz (2:1-4:12), at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasal kay Boaz, si Ruth ay naging ina ng lolo ni
Haring David (4:13-22).
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: