Impeachment complaint vs PBBM, basura lang — Cong. Erice
Автор: Super Radyo DZBB 594khz
Загружено: 2026-01-19
Просмотров: 1054
Duda si House Senior Deputy Minority Leader Edgar “Egay” Erice sa tunay na motibo ng inihaing impeachment complaint laban kay Pang. Bongbong Marcos sa Kamara.
Ayon kay Erice, na kinatawan ng Caloocan City 2nd District, maituturing na basura dahil walang ebidensya ang 15-pahinang reklamo na inihain ni Atty. Andre de Jesus, na inendorso naman ni Pusong Pinoy Party-List Rep. Jernie Jett Nisay.
Aniya, nakapagtataka kung bakit ito sinuportahan ni Nisay gayong may koneksyon siya sa National Unity Party (NUP), na nagsabing hindi nila hahayaang mapa-impeach ang Pangulo.
Sinabi rin ni Erice na nais din niyang matanong si de Jesus na nagsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
May posibilidad kasi umano na paraan lang ito upang mapigilan ng nasabing impeachment complaint ang iba pang reklamo na nais isampa laban kay Marcos.
Facebook: / dzbb594
Twitter: / dzbb
TikTok: / dzbb
Instagram: / dzbb594khz
Threads: https://www.threads.net/@dzbb594khz
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: