@IskoMorenoDomagosoVlog
Автор: Boy Gonzales Vlog
Загружено: 2025-09-23
Просмотров: 507
Iba’t ibang kaso ang isasampa laban sa 192 katao na nadakip sa naganap na kaguluhan sa anti-corruption protests noong Setyembre 21,
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso kabilang sa mga kasong isasampa ang paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985, illegal assembly (Article 146 ng Revised Penal Code), assault against a person in authority (Article 148), at resistance and disobedience (Article 151).
Sinusuri rin ang posibilidad ng mga karagdagang kaso tulad ng malicious mischief, arson, physical injuries, at inciting to sedition.
Sa ulat ng Manila Police District nasa 127 adults at 89 minors ang dinakip sa mga kilos-protesta.
Sa mga menor de edad, 67 ang tinukoy bilang children in conflict with the law (CICL) at 24 naman bilang children at risk (CAR).
Ayon kay Domagoso, maraming menor de edad ang kumilos nang may discernment o pag-unawa batay sa panayam ng mga social worker.
Hinimok niya ang Kongreso na mag-aral ng panukalang batas laban sa pagrerekrut ng kabataan sa mga riot o kaguluhan.
Nanawagan din ang alkalde sa mga magulang na makipagtulungan sa mga awtoridad:
Dagdag pa ni Domagoso, iniimbestigahan na rin ang posibleng mga nagsulsol, kabilang ang isang abogado, isang Filipino-Chinese na negosyante, at isang politiko na umano’y nagpopondo sa mga nag-riot.
Aniya, maaaring bahagi rin ito ng pagtatangkang ilihis ang atensyon mula sa mga isyu ng korapsyon o siraan ang mga lehitimong nagpoprotesta.
Samantala, tinatayang aabot sa ₱692,785.64 ang pinsala sa traffic signal facilities sa limang kanto sa kahabaan ng Recto Avenue. Patuloy pa ang assessment para sa iba pang nasirang ari-arian kabilang ang mga sasakyan, motorsiklo, stoplights, streetlights, CCTV units, at permanent traffic barricades.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: