Популярное

Музыка Кино и Анимация Автомобили Животные Спорт Путешествия Игры Юмор

Интересные видео

2025 Сериалы Трейлеры Новости Как сделать Видеоуроки Diy своими руками

Топ запросов

смотреть а4 schoolboy runaway турецкий сериал смотреть мультфильмы эдисон
dTub
Скачать

Nang Minsan Kitang Maging Silong (Spoken Word Poetry)

Автор: beverly cumla

Загружено: 2020-03-23

Просмотров: 25063

Описание:

#NangMinsanKitangMagingSilong #BeverlyCumlaSpokenWord

Nang Minsan Kitang Maging Silong

Ayokong nakakarinig ng kulog
Sapagkat parang nagagalit ang mundo
Parang sinisigawan ang mga taong wala namang kasalanan
Ngunit wala rin namang kakayahan na takasan ang ingay nito
Dahil kahit anong takip ng ating mga palad sa ating mga pandinig
Ay patuloy pa rin nating silang naririnig

Ayokong nabubuhusan ng ulan
Sapagkat kahit ayaw mong lumuha
Ay wala kang maggagawa
Makikita ng iba na basa na ang 'yong mga mata
Kahit wala naman talaga ay ipagpipilitan nila
Dahil habang paulit-ulit mo itong pinupunasan ay mas lalo ka nilang pinaghihinalaan

Ayokong naglalakbay sa baha
Sapagkat parang nakakaramdam ako ng pagkalunod
Kahit hindi naman umabot sa aking mga tuhod
Ay nangingibabaw parin ang takot na baka malalim na parte na ang sunod
Na matakapan at dito ay hindi na makaahon
Na lumubog hanggang sa 'di na makabangon

Takot ako dating lumabas sapagkat wala akong lakas
Na harapin ang bawat bukas kung lagi't-laging umiiyak ang taas
Parang laging wakas ang laging binabakas
Kahit wala namang dahas ay parang puro ako gasgas

Sapagkat ganito ang pakiramdam kapag galit ang kalangitan
Hindi ko alam kung bakit mangingibabaw ang kahinaan
Kahit hindi naman talaga, pinaparasuhan
Ay parang nananadya nalang ang kulog, baha at ulan.

Kaya sinubukan kong tapangan
At baka dito ay hindi na nila ko pag-initan
Sinugalan ko ang bagay na ayaw kong subukan
Para matauhan ang pusong kailangan nang lumaban

At sa aking pagsugod ay nakaramdam ako ng kalayaan
Ang saya rin palang makipaglaro sa mga patak ng ulan
Ang mga kulog ay parang napakasarap nang pakinggan
Ang mga baha ay parang naging isang palaruan

Ngunit habang tumatagal ay nakaramdam ako ng lamig
Nakaramdam ako ng kulang
Na ang tuwa ay parang panandalian na lamang
Muli kong pinagmasdan ang kapaligiran
Ako lang pala mag-isa ang humahabol sa bawat buhos ng ulan

Hanggang sa 'di na kaya,
Sinubukan ko silang takasan
Ngunit wala akong mapuntahan
Kaya humiling nalang sa buwan
Na sana ay kausapin ang langit na dahan-dahan nang tumahan

Bumalik ang kaduwagan hanggang sa bigla mo 'kong pinayungan
Matagal mo na pala 'kong pinagmamasdan
At ngayon ka lang naglakas loob na ako ay lapitan

Sinabi mo, na nakita mo 'kong mag-isa
At ginusto mo 'kong iligtas sa lamig ng pag-iisa
Nilakbay nating dalawa ang kalsadang may baha
at parang hindi na'ko nakakaramdam ng takot
Sapagkat kinakapitan kita

Hindi ko inaayawan maging ang pag-ulan
Sapagkat ligtas ako sa silong ng iyong paghagkan

Kaya ko nang tiisin ang kulog
Kahit may kaunting galit na tunog
Sapagkat hindi na nagigising sa ingay
Ang puso kong para mong pinatulog

Pinakalma mo ang magulo kong mundo
At dahil sa'yo ay naging matapang ako humarap sa delubyo.

Pero 'di ko naman alam
Na may plano ka rin palang mamaalam
Sana sinabi mo nalang para 'di na manghinayang

Pinasilong mo lang pala 'ko dahil nakita mong malakas ang bagyo
Naghintay na humupa ang baha at ang kulog ay huminto
Ngunit pagkatapos pala nito ay babalik ka na sa tahanan mo.

Hindi lang pala ako ang pinayungan mo,
Bakit ba 'ko umasa na mananatili ang isang taong gusto lang naman iligtas ako
Ako nalang sana, ako nalang dapat ang nagligtas sa sarili ko.

Minsan kong inayawan ang ulan, kulog at baha
pero sa pagkakataong iyon ay ginusto kong muli silang makita
Para kahit lumuha ay hindi ito mahalata
Para kahit magalit ay hindi niya ito madinig
Para kahit tumakbo ay hindi niya maramdaman

Sapagkat ang ayoko na ngayon
Ay ang muli niyang balikan.

Kaya sa susunod na pagsugod ko sa ulan
Sisiguraduhin 'ko na may sarili na'kong masisilungan.

--
For more updates, follow me on my social media sites listed below:

FACEBOOK PAGE:   / bcumla  
TWITTER:   / beverly_cumla  
INSTAGRAM: @beverlycumla

FOLLOW OUR FAMILY AND BE PART OF THE BEVIES!
  / @officialbevies  

For business purposes, email me at:
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Nang Minsan Kitang Maging Silong (Spoken Word Poetry)

Поделиться в:

Доступные форматы для скачивания:

Скачать видео mp4

  • Информация по загрузке:

Скачать аудио mp3

Похожие видео

Wala Nang Lokohan (Spoken Word Poetry)

Wala Nang Lokohan (Spoken Word Poetry)

PARA SA BOYFRIEND KONG WRITER - Spoken Word Poetry | Beverly Cumla

PARA SA BOYFRIEND KONG WRITER - Spoken Word Poetry | Beverly Cumla

JAKUCK, ROSJA 2026: PRZETRWANIE W TEMPERATURZE -71°C! - NAJZIMNIEJSZE MIASTO NA ŚWIECIE DOKUMENTALNY

JAKUCK, ROSJA 2026: PRZETRWANIE W TEMPERATURZE -71°C! - NAJZIMNIEJSZE MIASTO NA ŚWIECIE DOKUMENTALNY

To, co Chiny budują teraz, odbierze ci mowę

To, co Chiny budują teraz, odbierze ci mowę

HULING BYAHE (Byaheng 4th year) Spoken Word Poetry | She, speaks poetry

HULING BYAHE (Byaheng 4th year) Spoken Word Poetry | She, speaks poetry

Ничего не радует и пропала мотивация? Слова Михаила Лабковского, которые сдвигают с мёртвой точки

Ничего не радует и пропала мотивация? Слова Михаила Лабковского, которые сдвигают с мёртвой точки

ПОЧАЛОСЯ😁 ЇДУ РОЗВЕРТАТИ ШТАНИ ШИРІНКОЮ НАЗАД🤣🇩🇰

ПОЧАЛОСЯ😁 ЇДУ РОЗВЕРТАТИ ШТАНИ ШИРІНКОЮ НАЗАД🤣🇩🇰

Ang Pakiramdam ng Umiibig (Spoken Word Poetry) | By Beverly Cumla

Ang Pakiramdam ng Umiibig (Spoken Word Poetry) | By Beverly Cumla

Судді Не Повірили, Що Це Звук З Вуст Дитини! | Україна Має Талант

Судді Не Повірили, Що Це Звук З Вуст Дитини! | Україна Має Талант

TUSK PRZERAŻONY?! PO TYCH SŁOWACH SZEFA KPRP CAŁY SEJM WSTAŁ I BIŁ BRAWO!

TUSK PRZERAŻONY?! PO TYCH SŁOWACH SZEFA KPRP CAŁY SEJM WSTAŁ I BIŁ BRAWO!

КАК ПОМОЧЬ СЕБЕ В ТРУДНОЙ СИТУАЦИИ, КАК СОХРАНИТЬ СПОКОЙСТВИЕ И ПРИНЯТЬ ВЕРНОЕ ДЛЯ СЕБЯ РЕШЕНИЕ

КАК ПОМОЧЬ СЕБЕ В ТРУДНОЙ СИТУАЦИИ, КАК СОХРАНИТЬ СПОКОЙСТВИЕ И ПРИНЯТЬ ВЕРНОЕ ДЛЯ СЕБЯ РЕШЕНИЕ

Hanggang Sa Makalaya Ka (Spoken Word Poetry)

Hanggang Sa Makalaya Ka (Spoken Word Poetry)

Rosjanie o Rosji: Wszystko będzie gorzej. Jesteśmy przykładem tego, jak nie należy żyć.

Rosjanie o Rosji: Wszystko będzie gorzej. Jesteśmy przykładem tego, jak nie należy żyć.

Adik -  Ampalaya Monologues

Adik - Ampalaya Monologues

Скупилася, насмажила котлет, ще неділю проживу!

Скупилася, насмажила котлет, ще неділю проживу!

Как научиться вставать с кровати самостоятельно, без помощи рук после инсульта. Часть 2 дополненная.

Как научиться вставать с кровати самостоятельно, без помощи рук после инсульта. Часть 2 дополненная.

Ця ніч пройшла у лісі при температурі –22°C

Ця ніч пройшла у лісі при температурі –22°C

BOGUCKI ROZJECHAŁ ŻURKA W SEJMIE AŻ TEN WYBUCHŁ ZE ZŁOŚCI!

BOGUCKI ROZJECHAŁ ŻURKA W SEJMIE AŻ TEN WYBUCHŁ ZE ZŁOŚCI!

MGA NAPAOS NA LETRA (Spoken Word Poetry)

MGA NAPAOS NA LETRA (Spoken Word Poetry)

Szef CIA w Warszawie, Ukraina Wkrótce w UE, Rozmowy z Rosją Abu Zabi! Co się dzieje za kulisami?

Szef CIA w Warszawie, Ukraina Wkrótce w UE, Rozmowy z Rosją Abu Zabi! Co się dzieje za kulisami?

© 2025 dtub. Все права защищены.



  • Контакты
  • О нас
  • Политика конфиденциальности



Контакты для правообладателей: infodtube@gmail.com