Популярное

Музыка Кино и Анимация Автомобили Животные Спорт Путешествия Игры Юмор

Интересные видео

2025 Сериалы Трейлеры Новости Как сделать Видеоуроки Diy своими руками

Топ запросов

смотреть а4 schoolboy runaway турецкий сериал смотреть мультфильмы эдисон
dTub
Скачать

ISANG HUMP, ISANG GABING NAGPABAGO SA BUHAY NG ISANG PAMILYA; 3 ANAK, NAULILA NG KANILANG AMA | TV48

Автор: TV48 Station

Загружено: 2025-12-10

Просмотров: 54

Описание:

ISANG HUMP, ISANG GABING NAGPABAGO SA BUHAY NG ISANG PAMILYA; 3 ANAK, NAULILA NG KANILANG AMA

“Kung alam ko lang na hindi na siya makakabalik, sana pinigilan ko siyang umalis”, ito ang namutawi sa mga labi ng asawa ni Julius Gamboa, 36 anyos, na nasawi dahil sa isang aksidente sa hump sa Barangay Galvan, Guimba, Nueva Ecija, na nangyari noong December 1, 2025, sa pagitan ng alas onse trenta hanggang alas dose ng gabi.

Ayon sa kanyang asawa na hindi na nagpainterview sa harap ng camera, naulila ni Julius ang tatlo nilang mga anak na mga edad 15, 10 at 3.

Aniya, nakainom ang kanyang asawa nang umalis ng kanilang bahay para bumalik sa San Jose City kung saan ito nagtatrabaho bilang isang security guard, pero kaya naman aniya nitong magmaneho at hindi naman sobrang lasing.

Minsan din daw ay ganoong oras kung umuwi ng trabaho si Julius para hindi ito nagmamadali sa umaga, kaya panatag siyang ang pag-alis ng kanyang asawa nung gabing iyon ay hindi mauuwi sa disgrasya at tiwalang maayos na makakabalik sa kanyang trabaho.

Nung araw din ng pag-uwi ni Julius sa kanilang bahay ay first time daw na wala itong suot na helmet, kakaiba din daw ang lambing nito at kaagad humalik sa kanya, bagay na ipinagtaka niya.

Inilaan din ni Julius ang kanyang maghapon sa pakikipagbonding sa kanilang mga anak at sobrang naglalambing, marami din daw itong inayos na mga gamit sa kanilang bahay.

Puro masasayang ala-ala lang aniya ang iniwan ni Julius sa kanila sa kanyang mga huling sandali ngunit para naman sa ina ni Julius, lungkot ang nabanaag nito sa mukha ng kanyang anak.

Ang kakaiba at hindi maipaliwanag na lungkot na ito ay nagbigay sa ina ni Julius ng kaba sa dibdib at hindi panatag na kalooban, ilang ulit din daw niyang kinausap si Julius kung may problema ito ngunit sinabing kulang lamang siya sa tulog.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay Kapitan Virgilio Rosario, aminado siyang may kataasan ang hump ng Box Culvert Project ng kanilang barangay na nilaanan nila ng Php300, 000 mula sa kanilang 20% development fund, bilang flood mitigation sa kanilang lugar.

Ngunit bago aniya maganap ang aksidente ay nakapag-usap na sila ng contractor na isaayos ito, at base sa rekomendasyon ng Municipal Engineering Office ay dadagdagan ng tig-isang kilometro ang magkabilang gilid ng hump para mas lumapad ito at kahit paano ay pumantay sa kalsada.

Pangalawa si Julius sa mga nadisgrasya na sa hump na ito na naitayo noong April 2025, ang nauna, na nakainom din umano ay gasgas sa katawan ang natamo, habang si Julius naman ay binawian ng buhay.

Inaasahang sisimulan ang pagsasaayos ng hump sa lalong madaling panahon para hindi na maulit ang aksidente.

Makikita sa kuha ng CCTV ang pagdaan ni Julius sa hump, kung saan lumipad ang sinasakyan nitong single na motor at tumilapon ng hanggang dalawampong metro.

Dead on arrival umano nang dumating sa ospital si Julius pero na-revive naman, ngunit matapos ang apat na pagtatangkang isalba pa ito ay tuluyan na rin siyang binawian ng buhay kinabukasan.

Hiling ni Misis, sana ay wala nang sumunod na magbuwis ng buhay sa naturang hump, kaya sana ay agad na itong maisaayos, nasa punto man aniya siya ng kapighatian ay nagagalak itong naging daan si Julius para maaksyunan ang mataas na hump sa kanilang lugar.

Humingi naman ng dispensa si Kapitan Rosario sa kanyang mga nasasakupan at sa pamilya ng pamangkin nitong nasawi na si Julius, wala aniyang may kagustuhan ng nangyaring aksidente.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Julius, ngayong araw.

#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news

ISANG HUMP, ISANG GABING NAGPABAGO SA BUHAY NG ISANG PAMILYA; 3 ANAK, NAULILA NG KANILANG AMA | TV48

Поделиться в:

Доступные форматы для скачивания:

Скачать видео mp4

  • Информация по загрузке:

Скачать аудио mp3

Похожие видео

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) DECEMBER 17, 2025 [HD]

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) DECEMBER 17, 2025 [HD]

Ano na ang lagay ng imbestigasyon ng nawawalang bride-to-be? | GMA Integrated Newsfeed

Ano na ang lagay ng imbestigasyon ng nawawalang bride-to-be? | GMA Integrated Newsfeed

BALITANG UNANG SIGAW DECEMBER 17, 2025 | TV48 STATION

BALITANG UNANG SIGAW DECEMBER 17, 2025 | TV48 STATION

POKWANG, HUMINGI NG TAWAD PARA SA KAPATID AT NANGAKONG DADALAWIN ANG MAG-AMA | TV48 STATION

POKWANG, HUMINGI NG TAWAD PARA SA KAPATID AT NANGAKONG DADALAWIN ANG MAG-AMA | TV48 STATION

VIRAL RESCUE RIDE: MAG-ASAWA, UMALALAY SA MAGKAPATID NA NANGHINGI NG SAKAY | TV48 STATION

VIRAL RESCUE RIDE: MAG-ASAWA, UMALALAY SA MAGKAPATID NA NANGHINGI NG SAKAY | TV48 STATION

Przestań jeść takie JAJKA – robisz sobie krzywdę!

Przestań jeść takie JAJKA – robisz sobie krzywdę!

ERC Work Programme 2026 - Baltijas valstu informācijas diena

ERC Work Programme 2026 - Baltijas valstu informācijas diena

ШОКИРУЮЩЕЕ интервью пленного «МОНАХА». Из МОНАСТЫРЯ на ФРОНТ: «Я искал ТАМ СМЕРТЬ» | «Хочу жить»

ШОКИРУЮЩЕЕ интервью пленного «МОНАХА». Из МОНАСТЫРЯ на ФРОНТ: «Я искал ТАМ СМЕРТЬ» | «Хочу жить»

"Sindikatong KAMBAL-PLAKA, Lumalala! HPG at LTO, Napagi-iwanan! MAG-INGAT!

Film, który nie puści Cię aż do samego końca! | Ostatni ocalały | Filmy po polsku

Film, który nie puści Cię aż do samego końca! | Ostatni ocalały | Filmy po polsku

HAMON NI MAYOR PAO SA MGA SK OFFICIALS, UMANI NG IBAT-IBANG REAKSYON SA MGA KABATAANG KIDAPAWEÑO

HAMON NI MAYOR PAO SA MGA SK OFFICIALS, UMANI NG IBAT-IBANG REAKSYON SA MGA KABATAANG KIDAPAWEÑO

Эти 9 Ловушек преподносят под видом Доброты - Это должен знать каждый! Еврейская мудрость

Эти 9 Ловушек преподносят под видом Доброты - Это должен знать каждый! Еврейская мудрость

TUPAD NOVEMBER 2025

TUPAD NOVEMBER 2025

BURZA W SEJMIE - AWANTURA NA POCZĄTKU OBRAD!

BURZA W SEJMIE - AWANTURA NA POCZĄTKU OBRAD!

Sen. Raffy, Speak up! Napapasama ka sa Matandang Tulfo!

Sen. Raffy, Speak up! Napapasama ka sa Matandang Tulfo!

Как производятся презервативы – изнутри производственной линии по изготовлению презервативов.

Как производятся презервативы – изнутри производственной линии по изготовлению презервативов.

Это какой-то сюр! Что думают на БОЛОТАХ о МИРНОМ ПЛАНЕ? Эти опросы в РФ взорвали СЕТЬ! | Палата №200

Это какой-то сюр! Что думают на БОЛОТАХ о МИРНОМ ПЛАНЕ? Эти опросы в РФ взорвали СЕТЬ! | Палата №200

85-летняя бабуля растила котёнка год. То, КЕМ он стал - невероятно!

85-летняя бабуля растила котёнка год. То, КЕМ он стал - невероятно!

Попытка свержения власти в РФ / Силовой захват региона военными

Попытка свержения власти в РФ / Силовой захват региона военными

Находка внутри Сфинкса, власти попытались запретить раскопки, только взгляните

Находка внутри Сфинкса, власти попытались запретить раскопки, только взгляните

© 2025 dtub. Все права защищены.



  • Контакты
  • О нас
  • Политика конфиденциальности



Контакты для правообладателей: [email protected]