Mga Armas Pandigma dito na gagawin sa Pilipinas na ipangtatapat sa China?
Автор: Welbiz PH
Загружено: 2025-11-21
Просмотров: 2877
Mga Armas Pandigma dito na gagawin sa Pilipinas na ipangtatapat sa China.
Sa wakas gagawa na tayo ng mga armas pandigma pangtapat sa China!
pero bago yan, ay huwag kakalimutang mag-like, subscribe at kalembangin na rin ang notification bell, para laging updated ka sa ganitong klaseng video.
Kamakailan lamang, ay nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang isang mahalagang batas na naglalayong buhayin muli ang industriya ng depensa ng Pilipinas—ang Self-Reliant Defense Posture Program Revitalization Act. Ang batas na ito ay isang makasaysayang hakbang upang mailipat ang Pilipinas mula sa pag-asa sa pagbili sa mga banyagang bansa para sa kagamitang militar patungo sa pagkakaroon ng sariling kakayahan ng paggawa ng mga kagamitan para sa depensa. Layunin nitong palakasin ang pambansang seguridad, isulong ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), at pagyamanin ang inobasyon sa larangan ng teknolohiya sa ating bansa.
Sa loob ng mga nagdaang dekada, malaki ang naging pagdepende ng Pilipinas sa mga inaangkat na kagamitan mula sa ibang mga bansa tulad ng Estados Unidos, South Korea, at Israel. Bagaman nakatulong ang mga ito sa dagdag assets ng ating mga kinakailangang mga kagamitan, ito rin ay nagdulot ng kahinaan. Naging dependent tayo sa mga banyagang bansa pagdating sa supply chain, nagkaroon ng politikal na impluwensya, at tumaas ang mga gastos. Ang ganitong kalakaran ay nagpapabagal sa kakayahan nating mapabilis na makapag-adapt at mag-modernize ng mga militar arm na ito.
Sa pagpirma ng batas, malinaw ang mensahe ng pamahalaan. Hangad ng bansa na bawasan ang pagdepende sa mga dayuhang supplier at makapagbuo ng sariling industriya ng depensa na maaaring makipagsabayan sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng priyoridad sa mga lokal na supplier at pagkaloob ng mga incentive para sa mga lokal na suppliers, nais ng pamahalaan na himukin ang mga Pilipinong kumpanya na makilahok sa produksyon, pagsasaliksik, at pagpapaunlad ng mga kagamitan para sa depensa. Inaasahang magdudulot ito ng mas maraming trabaho, magpapalakas ng inobasyon, at magbibigay ng paglago sa ekonomiya habang pinapahusay ang pambansang seguridad.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: