Exclusive CCM Film Productions: Batang Quiapo Tanggol Montenegro “Tagapagtanggol” OST
Автор: CCM Film Productions (Coco Martin)
Загружено: 2025-06-23
Просмотров: 117352
Nandito na ang Coco Martin “Batang Quiapo” Experience!
Subscribe to Coco Martin Productions Youtube channel!
www.facebook.com/CocoMartinProductions
www.instagram.com/cocomartinproductions
/ @cocomartinproductions
/ cocomartinproductions
x.com/CocoMartinCCM
"TAGAPAGTANGGOL"
FPJ's Batang Quiapo Official Sound Track III
Tagapagtanggol!
Sino mang nangangailangan
sa'n man galing
tutulungan
tawagin lamang ang ating
Tagapagtanggol!
Laban sa mga ganid at sinungaling humanda 'pagkat nandito na ang ating
Tagapagtanggol!
Sino mang nangangailangan
sa'n man galing
tutulungan
tawagin lamang ang ating
Tagapagtanggol!
Laban sa mga ganid at sinungaling humanda 'pagkat nandito na ang ating
Tagapagtanggol!
Bagong sugo ng kabutihan
laban sa buwaya at buwitreng
trapo ng lipunan
Gising na bayan ko
imulat ang mata mo
mga bulok na sistemang
'di uubra sa isang
BATANG QUIAPO!
Panibagong hamon
panibagong laban
ang nakaatang sa balikat ng ating tagapagtanggol ng bayan
Babaguhin ang
maling sistemang nakasanayan
upang ang mga kababayan
ay mai-ayos ang kalagayan
Sa kamay ng mga buwaya
at ng mga tiwaling pinuno
Jesus Nazareno ang magliligtas
at bagong sugo
Batas ng Batang Quiapo
ay muli nang ipatutupad
na may mabuting puso na
hindi matitibag
Kaya hanggang ngayon
damang-dama pa rin ang gutom
ng mamamayang nagmamakaawa
sa konting tulong
Ngunit 'di madinig-dinig
parang mga walang tenga
ngunit ang lakas makatunog
kapag usapang pera
Mga politikong kurakot
na ubod ng Buraot
mga magagaling lang
'pag kumabig at humakot
'Pag may sakuna na 'di mo alam
kung sa'n lupalop
hahanapin at hahagilapin
'tong mga hayop
Ngunit anumang hirap satin
na nangyayari
ay merong tagapagtanggol
na tatayong bayani
Na maging patas ang hati
ng bawat bunga't ani
na ang tanging nagtanim
ay tayo ring nakararami
Laman din ng bulsa natin
ang kaban ng bayan
pondo nga ba o dagdag
sa kanyang kayamanan
Basta tandaan
sa oras ng pangangailangan
'wag kalimutang tawagin
ang kanyang pangalan
Tanggol!
Bagong sugo ng kabutihan laban sa buwaya at buwitreng trapo ng lipunan
Gising na bayan ko, imulat ang mata mo, mga bulok na sistemang di uubra sa isang
BATANG QUIAPO!
Tablado ang bente panghapunan
swerteng natauhan at nalaman
sinong tunay na peste sa lipunan
No'ng may isang erehe
sa peke manungkulang disente sa lente
lahat daw natulungan
Paninilbihan sa nasasakupang residente
sa kulay ng pera pala nakadepende
Namulat na ang tao 'di na 'yan pupwede
may Batang Quiapong gigiba ng siste
Ngayon ang tamang panahon
upang tayo ay magising
mga busal sa bibig na'tin
kailangan na na'tin alisin at tanggalin
Ang nagpapadilim
sa'ting matang nakapiring
tinig na'tin diringgin
kung ating pagsasabay-sabayin
Sa hanay na'tin may mahusay
at s'yang tunay na gabay
kanyang pakay ay dalisay
tapang niya'y walang humpay
Bawat salita'y 'sinasabuhay
at iniaalay sa inyo
ang pumatay at mamatay
nang dahil sa'yo
Tagapagtanggol!
Sino mang nangangailangan
sa'n man galing
tutulungan
tawagin lamang ang ating
Tagapagtanggol!
Laban sa mga ganid at sinungaling humanda 'pagkat nandito na ang ating
Tagapagtanggol!
Sino mang nangangailangan
sa'n man galing
tutulungan
tawagin lamang ang ating
Tagapagtanggol!
Laban sa mga ganid at sinungaling humanda 'pagkat nandito na ang ating
Tagapagtanggol!
Bagong sugo ng kabutihan
laban sa buwaya at buwitreng
trapo ng lipunan
Gising na bayan ko
imulat ang mata mo
mga bulok na sistemang
'di uubra sa isang
BATANG QUIAPO!
Bagong sugo ng kabutihan
laban sa buwaya at buwitreng
trapo ng lipunan
Gising na bayan ko
imulat ang mata mo
mga bulok na sistemang
'di uubra sa isang
BATANG QUIAPO!
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: